Sunday, September 9, 2007

Mahusay Ba Ang Memorya Mo?

Mayroong gusto ang lahat ng tao, gusto niyang marinig na siya'y tinatawag sa kanyang pangalan. Para sa isang tao, ang pinakamasarap na marinig ay ang "sound" ng kanyang sariling pangalan. Naalaala ko tuloy ang magandang katotohanan sa buhay ni Jim Farley ng Estados Unidos ng America. Nang mapag-usapan ang tungkol sa tagumpay ni Jim Farley, ganito ang sabi ng isang sikat na peryodista at author: "I understand you can call ten thousand people by their first names." "No you are wrong ," said Jim Farley, "I call fifty thousand people by their first name."

Ang kahusayang iyon ni Jim Farley ay nakatulong nang malaki sa pagluluklok kay Franklin D. Roosevelt sa White House, sa America when he managed Roosevelt's campaign in 1932. In the Philippines, one of the politicians na mayroong ganoong katangian tulad nang kay Jim Farley ay si Presidente Ramon Magsaysay. Kung minsan ay mahirap tandaan ang ngalan ng isang tao. lalo na kung iyon ay mahirap bigkasin. At kung talagang mahirap ispelingin at mahirap memoryahin umiimbeto na lang ng isang palayaw para sa kanyang pangalan, at iyon na lang ang kanilang itinatawag sa nabanggit na tao.

May isang tao na ang pangalan ay Nicodemus Papadoulos. Dahil napakahirap tandaan ang kanyang pangalan, ang tawag na lang sa kanya'y Nick. Subalit may isang businessman , si Sid Levy na tinandaang mabuti ang pangalang iyon. At nang tumawag si Levy sa telepono, ganito ang kanyang sinabi: "Good afternoon, Mr. Nicodemus Papadoulos." Ang naging katuguna'y saglit na katahimikan. Ang narinig lamang ay ang gapang ng buntunghininga sa kawad ng koryente. At saka pa lamang ang boses mula sa kabilang dulo ng kawad. "Mr. Levy, in all the fifteen years I have been in this country, nobody has ever made the efforts to call me by my right name." Tuwang-tuwa si Nicodemus Papadoulos sapagkat sa kaunaunahang pagkakataon, mula nang manirahan siya sa bansang iyon sa loob ng 15 taon, ay may tumawag sa kanya sa kanyang buong pangalan.

Halimbawang may isang retrato. Marami kayo na nakaretrato roon, iyon ay isang group picture. Kapag ipinakita sa iyo ang retratong iyon, sino ang una mong hahanapin at titingnan? Natural ang sarili muna, bago ang iba. Kung papaanong napakasarap marinig ang sariling pangalan, gayundin napakasarap makita ang sariling larawan.


Source: Inspirasyon
Author: Rev. Fr. Rodolfo C. Cruz

1 comment:

Pilar Villegas Cuevas said...

Mike, thanks again for this write up. Hope more write ups coming from you. Sorry,I missed your call last Friday. I am expecting a call from you today, Monday, September 10. Is there any good news? Regards and take care. God bless.