Monday, September 29, 2008

Pyesta ni San Miguel




Para sa mga taga Orion, malaki ang debosyon natin kay San Miguel Arkanghel. Si San Miguel kasi ang patron ng bayan at ngayon ang kapyestahan.Maraming taga Orion na nakatira na sa Maynila at iba pang lugar ang umuuwi ng Orion para makasimba sa araw na ito.Isa nang tradisyon ang pagganap ng nobenaryo para kay San Miguel,prusisyon at palatuntunan sa plaza.


Ngunit alam ba natin kung bakit dalawa ang petsa ng piyesta ni San Miguel?

Ayon sa Roman Calendar of the Saints at sa Lutheran Calendar of the Saints, ang September 29 ang feast day ni St. Maichael, na kung tawagin dati ang araw na ito ay “Michaelmas”. Ang araw na ito ang kinikilala ng mga Katoliko bilang araw ni San Miguel.

Ang May 8 ayon sa tala ng Roman Breviary, nuong taong 494 AD nagpakita daw si St. Michael sa bundok ng Monte Gargano sa Apulia, Italy. Sinasabing nagapi ng mga Lombards of Sipontum (Manfredonia) ang mga kalaban nitong Greek Neapolitans nuong May 8, 663 AD sa tulong ni St. Michael na patron of war nila. Para ipagbunyi ang pagkakapanalo, ginawang speacial feast ng simbahan ng Sipontum ang araw na iyon para kay San Miguel . Sa buong Latin Church ay ginunita na ito at pinahayag ni Pope Pius V)na "Apparitio S. Michaelis".

Kahit simple lang ang pagdiriwang ngayong araw na ito sa Orion,punong -puno ng tao ang simbahan.Kanina bago ako tumuloy dito sa San Fernando ay nagsimba muna ako.Maganda ang gayak ng altar at ang 7:00 oclock mass ay papangunahan ng Obispo...Bishop Soc. Mamayang gabi ang prusisyon at palatuntunan sa Plaza alay kay Apo Ige...meron ding fireworks.Sayang nga di ko masasaksihan ang buong pagdiriwang.

2 comments:

Pilar Villegas Cuevas said...

Luz, maraming salamat sa pagbablita mo sa amin ng tungkol sa pagdiriwang ng fiesta ni San Miguel ngayong Sept. 29. Thank you also for letting us know why there are two San Miguel Feast day and for giving time to post in our blog. Regards and take care. God Bless.

Larpi

JoGJMac(http://titajo.blogspot.com) said...

thanks so much for explaining why we have 2 fiestas in orion.

kaninang tanghali, we had visitors - 4 priests! what a blessed day! Mons. Ben Bacierra, Rev. Fr. Gerry Alcantara, Rev. Fr. Peter Tiguelo and Rev. Fr. Amadeo (from Rome). Over merienda cena, the topic was on the archangels and guardian angels.

At 6 p,m, i went to church to hear mass in honor of our patron saint in orion - ST. MICHAEL ARCHANGEL.

lastly, thanks so very much for the beautiful picture of our beautiful church. i forwarded your blog (picture included) to my email buddies.

more, more more ( blogs) PLEASE!