Monday, May 14, 2007


Sa aking paglalakbay na humigit kumulang sa 17 hours ay bumalik sa aking alaala ang napakasayang tagpo na ating muling pagkikita pagkatapos ng 44 na taon. I could not express the happiness that I felt before, during and after the reunion and perhaps all of us felt that happiness. "Alam mo Mike", ang sabi ng ilan nating ka-batchmates na ngayon lamang naka-attend ng renuion, "kung alam lang namin na ganito pala kasaya ang ating reunion sana noon pang una na kami'y iyong kontakin noong naunang renuion dapat sumama na kami".

Ang mga challenges na dumating sa akin ang siyang naging dahilan upang lalo akong magsumigasig katulong ang aking mga angels upang maging matagumpay ang ating grand reunion. With the help of God on Jan.,2010 at sa kagustuhan ng nakakarami ito ay muli nating uulitin. Lubos ang aking pag-asa at pananalig na sa muling pagkikita mas lalong maraming balikbayan ang uuwi.


Sadyang nakaka-touch ang ating pagsasamang iyon pagkatapos ng 44 na taon. Ang bawat isa ay hindi mailarawan ang kaligayahang mababakas mo sa kanilang mga mukha, kaligayahang hindi maaaring tumbasan ng salapi ika-nga. Halos ayaw nang magkahiwahiwalay lalo noong tayo'y nasa Crown Royal na habang inaawit natin ang AULD LANG SYNE bago umuwi damang dama ko tulad marahil ng inyong nadarama ang magkahalong galak at lungkot, lubos na kagalakan sa loob ng ilang araw nating pagsasama at lungkot pagkat pansamantalana naman tayong magkakahiwalay. Kaya habang inaawit natin iyon ay hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata at marahil ang iba rin sa inyo. Ang ginawa nating pagtulong sa pangangailangan ng ilan sa ating mga ka-batchmates, pagbibigay sa bahay puso at iba pa ay isang naging magandang simulain ngating batch1963. Sana magpatuloy ang simulaing ito hindi lamang sa panahon na tayo'y nag-kakasamasama at may reunion. "Sa isang umiibig wika ng Panginoon, higit na pinagpala ang magbigay kaysa tumanggap."
Once more thanks to all of you who attended our grand reunion, kay Corazon sa pag-create nila ng ating blogsite at lalo't higit na sa kahulihulihang sandali ay nagawang maka-attend sa ating grand reunion. Salamat sa lahat ng mga balikbayan who have played an important role for the success of our grand reunion.Kay Pilar na nagingkatulong ko sa pagkontak ng ilan nating kamag-aral, kay Mareng Emma na naglapat ng lyrics sa ating graduation song, kay Pareng Rollie at Pareng Fredo na nakaalalaysa akin sa lahat ng sandali at higit sa lahat sa aking mga angels na sina; Belen Buenaventura Almazan,Luz Quicho, Luz Torres Saul, Julie Santos, Rosa B. Balmaceda at kay Ramon Lacson. Maraming maraming salamat po and may God always bless us.


SANA'Y MAULIT MULI.


With love and prayer,



Miguel(Mike)Cruz

No comments: