Saturday, October 18, 2008

Update kay Ursulo






Narito ang update tungkol sa batchmate nating si Ursulo na pinsan ko.Nahihiya nga ako sa inyo kasi dapat alam ko kung ano ang kalagayan niya.Nagkataon lang na weekends lang ako nasa Orion at madalas na okupado sa maraming bagay,di ko siya napupuntahan.. Kaninang umaga,matapos kung magpagupit ng buhok sa parlor,dumaan ako sa kanya at kinamusta ko ang lagay niya. Napaluha siya ng makita ako at sabihin ko na kinakamusta siya ng mga kaklase na nasa abroad . Sa ngayon sa tulong ng lingguhang Dialysis maayos pa ang kalusugan niya.Malaki rin ang pasasalamat niya sa tulong ng 3 anak niya na nasa abroad ay natutustusan ang medication niya.Ang babae niyang anak ang nag-aalaga sa kanya.Sana raw ay makadalo pa siya sa susunod na reunion sa 2010.
Nagkausap kami ni Rolly, nasira daw ang laptop nya kaya di siya nakakapagpost ng blog at ibinigay niya ang contact number ni Nanding,na 2 beses kong tinawagan ngunit di ko siya nacontact. Mamaya ,sa landline number ko siya tatawagan. Ernie, may sagot na ang isa,next time ang iba,okay?

3 comments:

JoGJMac(http://titajo.blogspot.com) said...

Klap! Klap! for 2 reasons. One is for your dependability, my friend. Ang sipag mo at talagang maaasahan. I salute you!

The other reason is, what a relief to know that Ursulo is doing well. In fact, he looks healthier now (thanks for the pics), than when we visited him during the batch reunion.

Sana nga ay ma-contact mo rin si Nanding.

Di na tayo "bokya". Larpi and EDR, nasagot na ang tanong nyo. hehe

Next question, please.

Mike said...

Salamat sa isa sa mga masisipag kong angels at nai-update niya ang tungkol kay Ursulo.Tama si Tita Jo na malusog siya ngayon kaysa noong tayo'y nariyan noong nakaraang reunion.Salamat din sa Diyos at patuloy ang pagdialysis sa kanya sa pamamagitan ng kanyang mga anak.May awa ang Diyos Ursing at magkikita pa rin tayo sa Reunion of the Decade sa January 17, 18 & 19, 2010. Iyan din ang malimit na itinatanong ni Ms. Orionjri ang tungkol sa mga maysakit nating kaeskwela noong kami'y magkausap minsan at ngayo'y nagkaroon ng katugunan dahil sa sipag ni Lucille. One more thanks to you Lucille.

Pilar Villegas Cuevas said...

Luz thanks sa kasipagan mo. I am so happy to see Ursulo with you. You are really a great blogger. As I see Ursulo is looking good at mas mataba siya ngayon kaysa noong dalawin natin siya. Let us continue praying for him and for the rest of our classmates who are sick so we will all be together in our next reunion. I am excited to you all again.

Luz please continue updating us regarding our batchmates there in Orion.

Love and miss you.
Larpi