MALIGAYANG KAARAWAN ULI, NEL! Ang haba pala ng selebrasyon mo. Mantakin mo, nakakaapat na handaan ka na. Alam mo ang konklusyon ko diyan ay totoong maraming nagmamahal sa 'yo, at napakaganda ng relasyon mo sa kanilang lahat.
Puwede naman nating gawing lima ang pagdiriwang mo sa iyong bertdey. Dito naman sa Pinas ang ika-lima. Mayaman ang batchmates natin sa pagmamahal sa 'yo. Kung nandito ka sana, puwede tayong magsalo-salo uli sa hulo nina Lucing at Islaw, o kaya ay sa piknikan nina Terry Quicho. Libre kasi ang Batch '63 doon, di ba?
So ang pagsasaluhan nating mga pagkain, na nakalatag sa dahon ng saging ay halabos na hipon, inihaw na liempo ng baboy, krispi pata, nilagang okra, talong at talbos ng kamote na isasawsaw sa ginisang bagoong na isda, tinapang alugasin na may kasamang ensaladang malutong na kamatis at manggang hilaw , sinigang na bangus, malutong na ukoy ni Ate Glory, espabok ni Tia Flor Bascarra, litsong manok, adobong tahong, minatamis na saging na saba, buko salad at keyk na ibebeyk ni Tia Annie Benj. (Ilang kandila ang ilalagay?) Ay nakalimutan ko, ilada ni Rene Diolola, sago at gulaman, para di tayo mahirinan.
Tapos, sa meryenda sa hapon, pabitak (para kay ms.orionjri), puto bumbong, bibingka at butseng bukloy-bukloy-na makapal ang gata sa ibabaw. Siempre, di dapat mawala ang suman at manggang hinog. Yong sobra ay babalutin natin - teyk howm. Kaya, batchmates, huwag nyong kakalimutang magdala ng"selpon" (selopeyn para sa teyk howm).
Ayos ba, Nelia? Kaya lang, sa dami ng isinulat kong handa mo, nabusog na ako. So, pwede ba sa susunod na taon na lang natin 'to gawin?
HAPI BERTDEY TO YU,
HAPI BERTDEY TO YU,
HAPI BERTDEY, HAPI BERTDEY,
HAPI BERTDEY TO YU!!!
HOMEMADE TIKOY!!!
11 years ago
3 comments:
May kasabihan tayo na huli man daw at magaling eh huli pa rin (he! he! he!).Magkagayunma ipinaaabot ko kay Mareng Nelia ang aking pagbati sa kanyang ika-26 na taong kaarawan at sana'y marami pang kaarawan tulad ngayon ang dumating sa kanyang buhay. Kung naroon nga lamang tayo sa Pinas malamang naroon tayo sa mahabang papag kina Mareng Nelia at naroong lahat yong mga handa na binanggit ni Tita JO at mayroon pang karaoke di ba Mare?
Jo, baka kung next year pa ang susunod na ikalimang celebrasyon ay wala ka. Baka by that time narito ka na sa states kaya siguro dito na ang handaan at hindi sa Pinas. Nabusog ako sa mga binanggit mong masasarap na pagkain. Miss ko ang mga pagkaing binanggit mo.
Maraming salamat sa mga pagbati ninyo,kahit wala pa ang mga pagkaing binanggit ni Jo ay nabusog na ang puso ko.Kaya lang kung itong mga pagkaing ito ang ihahanda natin ,siguro hindi sell fun ang kailangang dalhin kung hindi diatabs,baka hindi tayo matunawan.
Pareng Mike,huwag kang magalaala dahil sa haba ng papag na ipagagawa ko,ngayon pa lang ay pinauumpisahan ko na,so baka sa 2010 mula Sto. Domingo hanggang sa hacienda ni Lucing ang haba ng papag.Baka binibiro ninyo kung gaanong karaming pagkain ang malalagay duon.
And by the way,talagang kailangang may karaoke tayo dahil sayang lang ang practice ko araw araw.
Post a Comment