skip to main |
skip to sidebar
Simbang Gabi sa Udyong at ang Muling Pagkikita
Kagabi,Disyembre 15, ika pito ng gabi,ang unang simbang gabi ay ginanap sa
simbahan.Isang anticipated mass ito,para sa simula ng novena para sa Pasko. Bago nagsimula ang misa ay may maikling palatuntunan sa Plaza ang Municipal Tourism Council.Mga awit Pamasko,pagsisindi ng malaking Christmas Tree at fireworks,ito ang nagbigay hudyat na ang PASKO ay darating na.Masaya ang mga taong sumaksi sa palatuntunan,kabilang dito ang isang di inaasahang pagkikita ng ilang batch '63 . Alam nyo ba,nagulat kami ni Julie ng biglang tumambad sa aming paningin si Josie Javier- Macalua.Para na ninyong nakita kung gaano kami kasaya sa muling pagkikitang iyon.Nauwi si Jo dahil nag-anak siya sa kasal sa Maynila at dinalaw ang mga magulang niya.
Maikli lamang ang pagkikitang iyon ngunit puno ng magagandang alaala...Sinabi rin ni Jo ang kanyang pledge sa Gawad Kalinga at iyon ay iiwan niya sa kanyang ina.
Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon sa lahat !!
1 comment:
Lucille, I am happy hearing from you news regarding traditional celebration of simbang gabi there in our hometown. Happy too hearing that you had seen Josie. I really miss the joy you three felt when you see each other. When are you coming here to U.S. Hope you can join us in our mini reunion at San Diego.
Post a Comment