This article should have been published last week when I read the article of Lucille regarding Simbang Gabi kaya lang something wrong with our computer.
Habang binabasa ko ang topic ni Lucille sa Simbang Gabi, bumalik sa aking alaala ang mga nakakaraang taon noong kami'y nariyan sa Pilipinas kapag sumasapit ang Pasko. Sadyang masaya riyan sa atin, pagkatapos ng simbang gabi eh nariyan ang special na bibingka na may itlog na pula sa ibabaw, puto bumbong mga masasarap na kakanin ni Charito at iba pa. Dito kasi sa amin sa Pennsylvania eh wala niyan. Kung nariyan lang sana kami malapit kina Editha baka umorder na rin ako ng puto bumbong at kutsinta(ayan Editha iniaadvertise ko ang masarap na gawa mong puto bumbong at kutsinta). Naririyan pa rin sa atin ang pananapatan ng mga bata gabi gabi bago sumapit ang Pasko at pagkatapos mong maibigay ang kauting halaga eh maririnig mo ang awit ng pasasalamat: "Thank you, thank you ang babait ninyo," at ang isa pa, "Thank you, thank you ang kuripot ninyo"(ha! ha! ha!). Kung minsan mayroon ding mga religious organization ang nanapatan at yong kanilang nalilikom eh ipinamamahagi sa mga mahihirap.
Bumalik sa aking alaala at nais kong ibahagi ang karanasan namin ng aming samahan ang Apostolatus Maris Cursillo Team maraming taon na ang nakakaraan. Lumilikom kami ng pondo mismong sa miembro ng aming samahan at ilang mga kapatid na may kaya sa ating bayan at pagkatapos pumipili kami ng mga sadyang mahihirap ang buhay sa bawat barangay at iyon ay aming tinatapatan sa gabi at inaawitan ng awiting pamasko, palibhasa'y hindi nila alam ang aming layunin na abutan sila ng mga grocery goods at isang religious calendar, alumpihit ang iba kung saan sila kukuha ng pambigay dahil ang akala nila kami ay nanghihingi sa aming pagkakaroling. Minsan nga naaalaala ko sa San Vicente mayroon kaming tinapatan na isang matanda, halos yong kasiya-siya niyang 25 centimos eh ibinigay sa amin, kinuha namin at pagkatapos inilagay namin uli sa plastic bag na may lamang mga grocery items at iniabot namin sa kanya, makikita mo ang pagtulo ng luha sa kanyang mata. Mga tatlo o apat na gabi kaming nagkakaroling.
Bumalik din sa aking alaala kapag kami ay sa Bantan, Calungusan, Camachile at Sto. Domingo nagkakaroling nakakasama namin ang "The Singing Angels" ng Bantan, mga batang magaganda ang mga boses. Hindi ko malilimutan noong kami ay may kinaroling sa isang bahay sa may palaisdaan sa Camachili yong isa sa mga Singing Angels ay nadulas at nahulog sa palaisdaan buti na lang at hindi gaanong malalim ang tubig.
Sa halos ilang gabi naming pagpupuyat sa pagkakaroling ay parang hindi kami nakakarandam ng anumang pagod kundi bagkus ang bawat isa sa amin ay nakakarandam ng lubos na kasiyahan. Marahil ganito rin ang nararandaman ng mga nagbibigay na maluwag sa kanilang mga puso tulad nga ng nasabi ko nang minsan na sa isa raw "Umiibig wika ng Panginoon, higit na pinagpala ang magbigay kaysa tumanggap."
Parang naiisip ko tuloy na muling magawa ang mga bagay na iyon sa pamamagitan ng ating batch lalo pa nga't marami sa atin ang medyo maluwag ang pamumuhay. Ano sa palagay ninyo guys, can we start that project on Christmas 2008? This is only a suggestion.
MERRY CHRISTMAS and A HAPPY NEW YEAR!!!
See you on the reunion of the decade on 2010.
HOMEMADE TIKOY!!!
11 years ago
1 comment:
Mike ang lalalim naman ng tagalog mo. Pilipinong-Pilipino. Are you going home in December 2008 for the batch caroling. How I wish i can join singing with our batchmates. Nice Suggestion.
Post a Comment