Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin noong wala pang KAUNLARAN
Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin
galing sa paaralan;
Walang mga bakod at gate ang
magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang;
10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa
umaga, singko sa hapon;
Merong free ang mga patpat ng ice
drop: buko man o munggo.
Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa
kanila ay Maestro/a:
Di binibili ang tubig, pwedeng
maki-inom sa di mo kakilala.
Malaking bagay na ang pumunta sa
ilog para mag-picnic, o kaya sa tumana;
Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa
principal's office o kaya malaking kahihiyan kapag
bagsak ka sa exams;
Simple lang ang pangarap: makatapos,
makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak...
Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa
hindi mo kakilala; wala namang lock ang mga jeep na
Willy's noon.
Mayroon kaming mga laruan na gawa namin
at hindi binili: trak-trakan (gawa sa rosebowl
ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong,
"sketeng" (scooter) na bearing na maingay ang
mga gulong at de-sinkong pako para sa preno;
patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas
sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang
makipag-lagutan) ; sumpak, pilatok, boca-boca,
borador, atbp.
Di nakikialam ang mga matanda sa mga
laro ng mga bata: kasi laro nga iyon.
Maraming usong laro at maraming kasali:
laste, gagamba, turumpo, tatsing ng lata,
pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro,
Champion (kahon-kahon yon!)
May dagta ang dulo ng tinting na hawak
mo para makahuli tutubi, nandadakma ka ng
palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging
dahil sa kulugo;
Butas na ang sakong ng Spartan mong
tsinelas - suot mo pa rin;
Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo
mo kasi nakasalampak ka sa lupa.
Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa
high technology.. . di ba minsan nangarap ka
na rin... mas masaya noong araw!
Sana pwedeng maibalik...
Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming
napapatay, nakikidnap, maraming addict at
masasamang loob...
Noon takot lang tayo sa ating mga
magulang at mga lolo at lola. Pero ngayon, alam na
natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara.. . Na uuna
silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo...
Balik tayo sa nakaraan kahit saglit...
Bago magkaroon ng internet, computer, at
cellphone.
Noong wala pang mga drugs at malls.
Bago pa nauso ang counter strike at mga game
boys.
Tayo noon...
Tinutukoy ko ang:
harangngang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan;
Ang pagtatakip mo ng mata pero
nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag
nanonood ka ng nakakatakot sa
"Mga Aninong Gumagalaw "
Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table
na kabisado natin, kasi wala namang calculator.
Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit
ng kulambo, lundagan sa kama ;
Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga
ang pang-igib ng lalake at may dikin naman
ang ulo ng babae;
Inaasbaran ng mga suberbiyo;
Nginig na tayo pag lumabas na ang
yantok-mindoro o buntot-page.
Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka
ba ng karton
sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o
sinturon?
Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan
na puro dahon naman; bahay-bahayan na puro
kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong
araw?
Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga;
pagtawa hanggang sumakit ang tiyan;
Meron pa bang himbabao, kulitis at
pongapong? O kaya ang lukaok, susuwi at
espada?
Susmaryosep ang nadidinig mo pag
nagpapaligo ng bata...
Estigo santo kapag nagmamano.
Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo;
matakot sa "berdugo" at sa "kapre";
Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale
ni itay kasi may tinola!
Yung crush mo?
Pag recess: mamimili ka sa garapon ng
tinapay -alembong, taeng-kabayo o biscocho?
Pwede ring ang sukli ay kending Vicks
(meron pang libreng singsing) o kaya nougat o
karamel;
Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya
kariba,
mas masaya kung inuyat;
Puriko ang mantika, at mauling na ang
mukha at ubos
na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy
Madami pa:
Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at
lumabas
sa pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang
palutong pag isawsaw sa sukang may siling
labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin; ang
isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng
kanin...
Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang
ang sahog;
Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi
bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi
tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.
Lipstick mo ay papel de hapon;
Labaha ang gamit para sa white-side-wall
na gupit;
Naglululon ka ng banig pagkagising;
matigas na amirol ang mga punda at kumot; madumi
ang manggas ng damit mo kasi doon ka
nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa
laylayan...
May mga program kapag Lunes sa
paaralan;
May pakiling kang dala kung Biyernes
kasi magi-isis ka ng desk.
Di ba masaya? Naalala mo pa ba?
Wala nang sasaya at gaganda pa sa
panahon na yon...
Masaya noon at masaya pa rin tayo
ngayon habang ina-alaala iyon...
Di ba noon...
Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na
"sino ba sa dalawang ito? "
Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di
ulitin: "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o
ito?"...
Awit muna: Penpen de Sarapen, de
kutsilyo, de almasen. How how the carabao batuten...
Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi
ang pinaka-mayaman;
Masaya na tayo basta sama-sama kahit
hati-hati sa kokonti;
Nauubos ang oras natin sa
pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa;
Naaasar ka kapag marami kang sunog sa
sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal
ka ng taya sa holen.
Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin
pero sila ang tinatawag natin pag
napapa-trouble tayo.
Di natutulog si Inay, nagbabantay pag
may trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at
Royal sa tabi at pahihigupin ng mainit na
Royco.
Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na
sa KAPAYAPAAN
Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!
Kung naka-relate ka sa lahat ng nabanggit sa
itaas, ibig sabihin lang niyan ay.......... ..
MATANDA ka na! he he he