I am posting this piece written by our batch mate, Aida Mendoza Sison after reading one of the compilations of our blogs which were circulating among our batch mates who have no access to the computer.
I
April 26,2009, umaga na'y gising pa
Kaya't BLOG ng Batch '63 binuklat-buklat,binasa
Minsa'y natatawa,naiiyak,di mapigil ang paghanga
Sa kagalingang taglay ng aking mga kaeskwela.
II
Kasiyahan at paghanga ibig kong ipadama
Kina Azon,Lucille,Pilar,Ernie,Annie, Emma
Kina Mike,Rollie,JoMac,Violet,Nelia
At marami pang iba,tuwa-tuwa ako sa inyo
Mga mahal kong kaeskwela.
III
Talagang pinagpala kayo,mga batchmates kong mahal
Angkin nyong talento't pagpapala mahirap mapantayan
JRI Batch'63,naging kakaibang tunay
Dahil sa inyo,nagkaroon ng sigla't buhay.
IV
Sa inyo batch mates,kaeskwela't kaibigan
Saludo ako sa inyong kahusayan
Kay galing-galing nyo,nakakalugod ngang tunay
May "legacy" na tayong sa Alma Mater na JRI maiiwan
V
Munting hiling ng puso ko'y ipagpatuloy naumpisahan
Ginawa nyo para sa JRI Batch'63 kahanga-hangang tunay
Piaaabot ko'y pasasalamat na walang katapusan
Hiram na buhay ninyo'y sana'y
KANYA pang dagdagan.
VI
Kasiyahan ko'y di kayang mapigilan
Paghabi ng payak na tula sumagi sa isipan
Sana'y itong aking munting nakayanan
Magsilbing "tribute" sa inyo mga kaeskwela't kaibigan
"Kay galing-galing ninyo, believe ako sa inyo
Mabuhay kayo!!! Pagpapala ng Diyos palaging sumainyo ! "
Zenaida Mendoza- Sison
2:00 AM ,April 26,2009
Did You Vote for this Man as your POTUS?
12 years ago
4 comments:
Aida, salamat sa napakagandang tula,kinikilabutan ako habang binabasa ko ito.Natutuwa ako at naapreciate mo ang nakayanan ng ating mga batchmates lalo na ang ating mga administrators na talagang nagpakahirap upang mabuo ang blog na ito.Determination at commitment ang dahilan kung bakit mayruon tayo nito.Marami akong naririnig na naging huwaran tayo ng mga ibang batch sa JRI.Kaya nagsisikap tayo na sana ay magpatuloy ang ating nasimulan.Tama ka,halos lahat ay naandito na sa blog natin,pati mga recipe,kaya kung may mga hindi marunong magluto,maraming matutuhan dito.Ang pinakamaganda rito ay ang mga natututuhan nating aral based sa mga karanasan natin sa buhay,that is why our blog is very much alive.
Salamat Aida sa tula hanga ako sa iyo.Kung nalulungkot ka buksan mo lang ang blog natin at maalis ang lungkot mo lalo na ang mga jokes,alam mo ba na marami sa atin ang may itinatagong pagka kenkoy? O di natawa ka na.Akala kasi nung iba na nuong high school tayo ay mga serious na serious,yun pala puro mga kalog.Sana naman sumali ka na sa amin sa pag popost para lalong masaya.
maraming salamat at kahit papaano ay nasiyahan ka sa mga amateurish attempts sa pagsulat ng ating mga ka-batch.
ikaw pala ang may itinatagong galing ni balagtas sa paghabi ng tula.
sana ay simula lamang ito ng marami mo pang akda para sa ating blogspot.
MARAMI RING SALAMAT SA IYO, LUZ(MY FRIEND) FOR PUBLISHING AIDA'S POEM.
Luz thanks a lot for posting this poem written by Aida. Masuwerte ang batch natin sa pagkakaroon ng maraming matalinong manunulat at makata. Hope that many more poems will be posted. Aida napakaganda ng tulang ito na iyong sinulat sana masundan pang muli as much as possible monthly posting. Luz thanks again at sana matuloy ka makapag print ng ng ating blog para sa mga walang computer. Thanks again. Regards and God Bless.
BRAVO, Aida! What a pleasure it is to see your poem posted here. Hope this is just a foretaste of more delightful posts to come from that rarely-heard-from corner of town.
Post a Comment