Monday, October 26, 2009

JOKES !!!

Nagising ako sa post ni Josie kaya heto tayo'y tumawa uli :





Sa Sauna:
Attendant: Sir, gusto mo ng tirafi?
Guest: Anong tirafi? Baka therapy?
Attendant: Tirafi po talaga sir. After you tira me, you give me fee.


Mr: Hon, buksan mo ang pinto!
Mrs: Sori, hindi pwede. Wala akong suot.
Mr. (tumawa) Ok lang. Wala akong kasama.
Mrs: Ako, meron!

Tip for a long life:
Wag mo isusulat name mo sa condolence book pag dumalaw ka sa patay. Kasi pagkatapos ng libing nagkakaron ng raffle kung sino susunod....


Guro: Pedro, late ka na naman.
Pedro: Late po kasi relo ko.
Guro: Problema ba yun? E di i-advance mo.
Pedro: Sige po.
Guro: Oh, saan ka pupunta?
Boy: Uwian na!


Mrs: Kung alam ko lang di sana ako nagpakasal sa iyo! ABS ka!
Mr: Anong ABS?
Mrs: Alak, Babae, Sugal!!
Mr: Eh ikaw? CBN!
Mrs: Anong CBN?
Mr: Chismosa, Bungangera, Nagger!!!

May dalawang lalaki sabay nag-jogging:
Guy 1: Pre, doctor ako. Kaya ako tumatakbo kasi HEALTH conscious ako! Ikaw pre?
Guy 2: Snatcher pre! WEALTH conscious ako.


Bakit binaril ng bobo ang girlfriend niya?
Kasi sinubukan niya kung totoong FIRST LOVE NEVER DIES!

Pasahero: Mama, dahan-dahan lang po. Alalahanin nyo na
palaging nakasunod sa atin ang disgrasya!
Drayber: E, kaya ko nga binibilisan para di tayo abutan!


Kasal...
Pari: Ikaw lalaki, tinatanggap mo bang maging kabiyak ang taong ito
habambuhay?
Lalaki: Opo, Father!
Pari: At ikaw naman malanding pokpok kang bakla ka mukha kang kabayo, Akala mo siguro ang ganda mo sa gown,'ano? Tinatangap mo ba ang lalaking ito na hindi ka magsisisi kahit magkabaon-baon ka sa utang sa pagsustento sa kanya?
Bakla: Father, sabihin nyo lang kung tutol kayo sa kasal na ito kesa naman tumalak ka diyan, naka mic ka pa naman.


Sa isang turo-turo:

Customer: Manang, meh langaw sa arroz caldo ko!
Tindera: Hello! Sa halagang P5.00 ano ini-expect mo...manok?


Tom: Alam mo pare, my new wife is a sex object!
Jerry: Wow! Maganda pala ang napangasawa mo pre!
Tom: Hindi naman. But everytime I want to have sex, she objects!


PO 1: Bakit po K-9 ang tawag sa malalaking aso, sir!
SUPT: Syempre pag tinawag mo silang K-10, hindi na sila aso
PO 1: Ano na sila sir?
SUPT: Maliit na pusa...


Anak: Nay, yung girlfriend ko hindi naniniwala sa langit at impierno.
Nanay: Sige, pakasalan mo anak, ipatikim mo sa kanya ang langit, ako na ang bahala sa impierno!


Isang ina ang nagsilang ng napakapangit na sanggol.
Ama: Isa siyang kayamanan.
Ina: Oo, nga! Ibaon natin!......

A husband asked his wife, "What do you like most in me,
my macho face or my sexy body?”
The wife looked at him from head to toe and replied,
"I like your sense of humor.”


Russian: Sir, we got huge order from USA for 16 inches condoms.
I think it is to embarrass us!
Putin: No problem! Complete the order and mark them SMALL SIZE!


A guy picks up a girl for a date.
"Why are you wearing your belt around your knee?
Girl: I promised mom that I won't let you touch me below my belt....

2 comments:

Pilar Villegas Cuevas said...

Ha ha ha. Josie nagising ka ba sa pagkakatulog mo.

ErnestoDR said...

Larpi, Salamat sa posting! nagising ako sa jokes mo.
Ako yung inaantok, parang nakatulog na nga yata ako sa nakakabinging katahimikan.