Wednesday, May 13, 2009

Tayo'y Tumawa Uli

The Battle of the Brainless is Back!


Host: What "N" (narra) is the national tree of the Philippines?
Contestant: Niyog?
Host: Mas matigas pa diyan.
Contestant: (in a strong-sounding voice) NIYOG!!!

Host: Saan "B" (Bagumbayan) binaril si Jose Rizal?
Contestant: Sa back?
Host: O sige, puwede rin na ang simula ay letter "L"(Luneta).
Contestant: Likod?
Host: Hindi pa rin. Para mas madali, "R.P." ang initials ng modern
name nit o (Rizal Park).
Contestant: Rear Part? (Susme! Likod pa rin yun!)

Host: Saan "B" (beach) tayo madalas
pumunta pag
summer upang maligo?
Contestant: Banyo?
Host: Hindi, pag pumunta ka doon, maaarawan ka.
Contestant: Bubong?
Host: Hindi, marami kang makikita
doong mga babaeng naka-bikini.
Contestant: Beerhouse!

Host: Anong "L" (Lifeguard) ang tawag
sa tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod?
Contestant: Lifebuoy?
Host: Hindi, pero kahawig nga ng
pangalan ng sabon ang pangalan nito.
Contestant : Safeguard?
Host: Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
Contestant : Safe Buoy?
Host: Hindi siya "boy" at matipuno
nga ang kaniyang katawan.
Contestant: Ah, Mr. Clean!

Host: Anong "S" (Salbabida) ang ginagamit
na floatation device sa dagat upang
hindi ka malunod?
Contestant: Sirena?
Host: Hindi! Hindi ito babae.
Contestant: Siyokoy?
Host: Hindi ito lalake.
Contestant: Siyoke?

Host: What "S" (Sampaguita) is the national flower
of the Philippines?
Contestant: Sunflower?
Host: Hindi. Binebenta ito sa kalye.
Contestant: Stork?
Host: Hindi. Bulaklak sabi eh.
Contestant: Sitsarong bulaklak?
Host: Hindi pa rin. It ends with a letter "A".
Contestant: Sitsarong bulaklak na may suka?
Host: Oh, para madali, uulitin ko
ang clues at dadagdagan ko pa!
Anong pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang "A",
at kapangalan ng isang sikat na singer?
Contestant: Si...Sharon Cuneta!

Host: Sino ang kauna-unahang Chess Grandmaster
(Eugene Torre) of Asia?
Contestant: Carole KING?
Host: Hindi, mas mababa sa king.
Contestant: Al QUINN?
Host: Hindi, tagalog ang apelyido niya.
Contestant: Armida Siguion-REYNA?
Host: Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.
Contestant: BISHOP Bacani?
Host: Mas mababa sa bishop.
Contestant: Johnny MidNIGHT?
Host: Mas mababa sa Knight.
Contestant: Jerry PONS?
Host: Oh, ayan na, nabanggit mo
na lahat ng piyesa sa Chess. Yung
kahuli-hulihang piyesa na lang.
Contestant: Sylvia laTORRE!

Host: Sino ang national hero
na naka-picture sa 500 Peso bill? Clue,
may initials na N.A. (Ninoy Aquino)
Contestant: Nora Aunor?
Host: Hindi. Ang pangalan
niya ay nage-end sa "Y".
Contestant: Guy Aunor?
Host: Hindi. Dati siyang Senador.
Contestant: Si Former Senator Guy Aunor?
Host: Hindi. Patay na siya.
Contestant: ANO??!! PATAY NA
SI NORA AUNOR???!!!

One more, dagdag:
Host: What "K" (kalabaw)
is the national animal of the Philippines?
Contestant: Kuto?
Host: Hinde. Clue, it tills the land.
Contestant: Kutong Lupa!
(AY NAKU!! YOU HARDEN THERE!!)

4 comments:

neliaamparo said...

Salamat Luz,nabawasan na naman ang wrinkles sa mukha.Believe ako talaga sa contestant na ito,hindi maka gets,isa siguro ito sa napaglilipasan ng gutom.

Pilar Villegas Cuevas said...

Ha! Ha! Ha! Hi! Hi! Hi! thanks Luz.

JoGJMac(http://titajo.blogspot.com) said...

those were really good ones! more! more!

orionjri said...

My jaws are still locked and my tummy is still hurting from too much laughing.