Monday, May 4, 2009

Isang Pananaw

Habang patuloy na binabasa mga BLOGS na gawa ninyo
Umiigting, nag-aalab ibayong paghanga sa puso ko
Di maiwasang ikumpara ng abang lingkod nyo
Kapalarang sa kanya'y kaloob ng Diyos at Poon ko.

Minsan pa'y di mapalagay, humabi muli ng tula
Upang maihayag damdaming nagpupumiglas
Desididong sarili'y lumaya nang talaga
Patulong sa KANYA nang tuluyang lumigaya.

Tunay na napakalaki ng nagawa
Ng JRI Batch '63 Blog sa inyong lingkod na aba
Panginoon nati'y inaaliw kata
Sa mga problemang nakaukol, nakabadya.

Si Balagtas na sa hirap, karakter ay naporma
Sa loob ng piitan, kay raming pagdurusa
Sabi nya'y " Walang mangyayari sa balat ng lupa
Di may kagalingang Inyong ninanasa."

Sabi naman sa Bibliya,lahat dapat ipagpasalamat
Sa pangalan ni Hesus na bugtong na anak
Pagka't lahat ng bagay nagkakalakip na gumagawa
Sa ikabubuti ng mga taong nag -sisiibig sa Kanya.

Anong napakagandang pangako na kanyang sinalita
Panghahawakang mahigpit pagka't magandang giya
Ano pa kaya tayo kung wala Siya
Na sa ati'y sumusubaybay at nag-aandukha?

Isinukong buhay sa Kanyag kagustuhan
Para di tayo magdusa habang ito'y dinadalisay
Ang kailangan nati'y matibay na paniniwala
Sa Kanya na may akda ng ating buhay.

Tanggapin ninyo aking taos pusong paghanga,kaeskwela't kaibigan
Tanging habilin ko'y sa Diyos angking buhay iaalay
Pasasalamat sa Kanya'y palaging ibigay
At ibayong pagpapala pa ang inyong makakamtan.

" Lubos-lubos na kasiyahan
Nag-uumapaw na kaligayahan
Bigay ng Panginoon kong mahal
Dala ng mga kaeskwela't kaibigan ".

JRI Batch '63, lahat tayo'y dumaranas
Iba't ibang bagyo ng buhay
Subali't lahat tayo'y nagtagumpay
Kay galing-galing nating tunay !

3 comments:

neliaamparo said...

Aida ,salamat uli sa napakagandang tula,nakakainspire talaga.Natutuwa rin ako at kahit paano ay nakakapawi sa mga problema natin ang mga nababasa natin sa blog.Ito ang dahilan kung bakit muli tayong pinagtagpo tagpo ng Diyos,alam niya ang mga pinapasan natin sa buhay.Hindi tayo puweding huminto sa pag co contribute natin sa blog.It should be like a stream,always flowing without an end.

Pilar Villegas Cuevas said...

Aida habang binabasa ko ang iyong tula ako ay kinakalibutan. Napakagaling mo talaga makata. Natutuwa ako at pinagbigyan mo ang aming kahilingan na muling susundan and una mong tula na pipost sa ating blog. Patuloy tuloy lang Aida. Talagang napakasarap gunitain ang ating nakaraan noong highschool pa lang tayo hanggang sa ngayon. Alam ko na lahat ng ating ka batch ay nasisiyahan basahin ang iyong tula. Again thank you so much. Regards and God Bless.

ErnestoDR said...

Aida, thanks for sharing your thoughts in a poem!
Aba'y hindi nga maipagkakatwa na ikaw ay tunay na tulera (quoting Emma) --- hindi tuliro, ha? Makata na lang, para malinaw!
You are no doubt a modern day Balagtas! And your two poems are simply inspiring!
Do we still have a Balagtasan or a competition to that effect? I haven't known or come across any in years.
Anyway, you touched on life's troubles which are inevitable. My theory is this: There is no big problem we do not have the power to overcome. You believe in God; he gives us the capacity to face any problem.
And as you mentioned, this is how character is formed -- by seemingly insurmountable hardships, challenges, and difficulties. Our God is more concerned with character than anything. It is how we love the unlovable, how we serve the undeserving, how we accept the forsaken, how we feed the hungry...etc.
There will be a final reckoning... JRI Batch 63 will pass the day!