Hi to my Batchmates,
After some months or year of hibernation heto ako your friend alive and kicking pa.
Bihira kong mabuksan ang blogsite natin because of various reasons but be assured that it
is still in my heart and mind. Luz always encouraged me to share but the only PC we have
at home is always occupied by my daughter and husband researching and making reports
for their MA course or if not by my apo and sons playing games.If I find time to open it
comes my 2 year Dennis the Menace apo trying to outdo me in typing.Tulog lang ang
pahinga niya.My new hobby is paggagantsilyo.Alam ninyo ba pati sinulid ko ay itinatapon
making fun of me? Pero masarap kahit mahirap magalaga ng apo di ba? sagot naman ang
mga may apo diyan.
Sasamantalahin ko ang chance na ito na ishare sainyo ang matagal ko nang gustong
isulat sa blog natin and it requires your recall.Ang di maka remember M...... na.
TAWAG NG T---------
Announcer;Magandang gabi po sainyong lahat.Mga kaibigan sumasainyo ang palatuntunang
Tawag ng T-------.Opo narito na naman ang inyong palatuntunan na nagbibigay
daan sa mga baguhan upang makasapit sa tugatog ng tagumpay Maraming
sandali ng kasayahan na dulot sa inyo ng ating tagatangkilik ang gawgaw tatak
galawgaw na mabisang pamuksa ng kagaw,pampasarap ng sabaw at panghalo
sa nilugaw.kaya mga kaibigan sama sama tayong makinig sa tawag ng t------.
At ngayon narito na ang ating kalahok ano po ang pangalan?
Tecla;Tecla Mapakla
Announcer; Kumusta po sila
Tecla ; Aywan ko po
Announcer Anong aywan mo
Tecla: Kinukumusta ninyo sila,malay ko kung ano ang lagay nila
Announcer Kayo ang kinukumusta ko
Tecla Ako pala bakit sabi ninyo kumusta sila di sanay sabihin ninyong kumusta ka
Announcer Bueno kumusta ka
TECLA Mas mabuti ho naman kaysa inyo
announcer Mayroon ba kayong hanap buhay
Tecla Kung minsan
Announcer Ano ho ang inyong hanapbuhay
Tecla Negosyante po
Announcer Isa pala kayong nogosyante.Negosyante ng ano
Tecla Negosyante ng mga negosyo
Announcer Aling Tecla Mapacla aawit po yata kayo
Tecla opo
Announcer Bueno pakinggan natin si aling Tecla (Tecla renders her song....was it Telebong?)
(Next contestants were Placido Walang Apdo who rendered awit na walang nota -a poem
and Miss damiana sabukot.)
I am sorry I cant give you the whole skit but here are some questions for you.Prizes
for the first to respond correctly will be awarded the next time we meet at our coming reunion
1What is the complete title of this skit and when was it shown-Complete date pls.
2.Who played Tecla,Placido,Damiana in the skit?
3Who directed the play?
Well thats all folks...hope you enjoy.The complete copy of this skit is in my position plus
an old ,very old copy of the program when it was performed.
Did You Vote for this Man as your POTUS?
12 years ago
11 comments:
Hurray for Emma, nagbunga din ang pangungulit ko...Salamat kumare . Parang familiar ang skit na iyan.Dapat ba tama lahat ang sagot sa tanong ,para kasing alam ko kung sino ang nagdirect?Anyway sana may makahula para maprove na di pa nya kailangan ang "Memory Plus" (Smile)
Yon write up sa San Vicente River, bigay mo sa akin sa week-end, para mapost ko,hinihintay na yan ni Josie.
Batchmates,recall our high school lessons para may award sa next reunion.
naku, emma! sure na akong makakakuha ng premyo! yehey! kasi kasali ako sa comedy skit na yan! grade six graduation yata ipinalabas yan. si mr. dizon ang director. si belen buenaventura-almazan si damiana sabukot, si tomasito magat ang announcer at si rodolfo cayabyab si placido walang apdo. of course, ako si tecla mapacla!
tama ba? ang sure ko talaga ay ang pagkakaganap ko ng tecla mapacla.
yehey! wala pa akong alzheimer. hehe
pahingi naman ng copy, o!
Emma, Sa title pa lang at first sentence ng blog mo nahulaan ko na na ikaw ang nag post nito. Ay naku alam ko na si Mr. Dizon ang sumulat pero hindi ko matandaan kung sino ang gumanap pero hindi ko tinatanggap na may alzheimer na ako. Sobra lang kasing matagal na manahon na iyan. he he he.
Tama ka kahit nakakapagod magalaga ng apo I enjoy to be with them and play with them. Nakakabata pati at ang sarap nilang kausapin. I have two grandsons. As much as possible I want them to stay with me everyday kaya lang siyempre hindi puwede.
Hinay-hinay lang ang pag gagantsilyo baka mapasma ang mga kamay mo.
Thanks a lot for you make me laugh this morning. Regards and take care.
God Bless.
Thank you Mareng Emma sa posting na nakakaaliw bagama't wala akong natatandaan sa comedy script, paano naman kasi noong nasa elementary pa kayo huminto na ako ng pag-aaral at nakasabay ko lang kayo sa high school noong naisipan kong magpatuloy at napakasuwerte ko naman pagkat kayo ang nakasabay ko.
P.S.
Tatawagan ko nga sana kayo noong Sabado kasi sumagi kayo sa aking alaala noong kami'y nag-kakaraoke dito sa bahay dahil may kaunting handaan kasi despedida ng aking manugang na pupunta sa Iraq. Kasi isa sa mga kinanta ko eh ang inyong team song ni Pare, yong LOVE STORY. "Where do I begin to tell the story and so on". Kaya lang di ako nakatawag kasi wala na akong pambili ng phone card dahil wala na kaming tarbaho.(joke lang)
TAWAG NG TANGHALIAN! yan, yan ang title ng comedy skit. ang kinanta ko ay "Pistahan" "kung may pista sa aming bayan ang lahat ay nagdiriwang,may litson bawat tahanan, may gayak pati simbahan. paglabas ni santa mariang mahal, lahat ay taos na nagdarasal..."
hehehe! i hope i got it right.
emma, this is really very exciting! very nice idea!
how about your award winning article on " saving the river" ? please publish it.
SARAP TALAGA MAG-ALAGA NG MGA APO, KAHIT GAANO KAKULIT. i AGREE!!!
SABI KO NA NGA BA IKAW JO ANG SURE WINNER BEING A PART OF THAT PRESENTATION>Just let me know kung kailan ka narito sa Orion.Yon tungkol sa riverhahalungkatin ko pa ang baul ko ng mga write ups.How come you learn about it?It was an entry ina DENR contest GURO KASAGIP KA and it won first prize division level.Haba noon kaya di ko maibigay kay Luz.
Pare kong Mike regards to the family.Do not worry about the reunion maidadaos din yan.we all pray na all that is happenning in this world will come to pass SOON.
Pilar di ka pa naman AL.... completely parang ako rin.kung minsan pinabubuhusan ko ng baso ang tubig he he kaya tuwang tuwa yata ang apo ko na lokohin ako.
miss you and the other batchmates.
Mare it's already 1:30 A.M. but ayaw akong dalawin ng antok, ika nga so I opened our computer and once more I read your topic. At si Tita JO pala ang si Tecla Mapacla. Maganda pala Tita JO ang boses mo bakit hindi ka kumanta sa karaoke noong tayo'y nasa crown royal, sige sa next reunion kung may awa ang diyos, you will sing na ha Tecla. Kaunting ngiti naman diyan. Tita JO TELEBONG ba ang pamagat ng kinanta mo noon? Kasi mayroon din akong alam na kanta na TELEBONG ang pamagat na naririnig ko sa lola ko noon (SLN). Aywan ko kung narinig na rin ninyo ito:
"TELEBONG, TELEBONG, TELEBONG, NAG-AWAY ANG HAPON, UMUPO SA PUGON BUMALIGTAD ANG TUMBONG".
Sige ho Mare, kumusta na lang ho uli sa inyong lahat diyan at aabangan namin ang susunod na kabanata.
Am so amused...dami ko ring nalalamang old songs.Sige nga klasmeyts,pa-kontest tayo ng mga old funny songs noong circa natin sa next reunion,pati siguro tula di ba? I will love to listen to you Mr. President at sa iba pang biniyayaan ng magagandang boses,, si Eling,Rosa,Emma, lalo na si Corazon. Of course ang mga boys ng batch'63 na sanay na sanay sa Videoke .
Nakakasabik na talaga ang muling pagkikita-kita natin.
Masaya kami ni Josie kasi balik na uli ang huntahan sa blogs. Buhay na buhay ! talagang walang iwanan!!
pres-for-life MIKE, ay naku, pang comedy skit lang ang boses ng 'panghuling angel' mo na ito. kaya nga doon ako pinakanta ni mr. dizon(SLN), para siguradong matawa ang mga tao. PISTAHAN ang kinanta ko noon, at pinagpiyestahan talaga ng audience ang boses ko! huhuhu!
mas matanda ka nga sa amin. kasi iba ang lyrics ng TELEBONG mo. ito ang version noong dekada namin. hehe! (TELEBONG, TELEBONG, TELEBONG. HETO NA SI TEMBONG. SAAN MAN SIYA NAROON, TSISMIS AY UUGONG..") aray!!!
Pare,tawa ako nang tawa sa version mo ng Telebong.Saan kaya kinuha ng lola mo yon.tama ang version ni jo.
Jo,may kulang pa ang sagot mo to get the prize and that is the complete date of our graduation.Kagabi napilitan akong halungkatin ang baul ng write ups ko and di ko alam paano i post ang
entry ko na ang title ay ILOG: UGAT NG BAYAN KO.Story form ang style ko doon at medyo mahaba.That is a study of the problem of SAnVicente River,its past and present condition back up by interviews of old folks of our town
and analysis of how the different concern in our environment are interrelated.this was conducted in 1991.Noon pa ay aware na akong mangyayari ang nanyayari ngayon sa ating kapaligiran.May suggestion pa nga ang judge noon na i bring out ko ito sa mga local officials natin but the first remedy for me ay desilting the river o pagpapalalim sa ilog and strict compliance with laws and you know the situation in our place with regards this matter di ba?
but tingnan ko kung paano ko mapasok sa blog natin ito. Luz may help me.regards.
Iba na talaga ang manganganta maraming alam na lumang kanta. Sige contest sa next reunion paramihan ng lumang kanta. Kung sino ang makakakanta ng pinakamarami siya ang panalo. Jo mag research at mag practice ka na at baka matalo ka ni Presidenteng Mike.
Emma bihira kang lumabas sa blog pero paglumitaw bomba. Imagine ang daming comment sa posting mo. Awaiting next issue.
Post a Comment