(One of the write ups I found in my baul is the following.This was published in BATINGAW ,a newsette of the Parokya ni San Miguel ,Oct-Dec,1986
Malamig na ang simoy ng hanging nararamdaman ng mga taga Orion na lalong kilala rin sa tawag na Udyong.Ang mga bintana ng lahat ng tahanan ay unti unti na ring napapahiyasan ng nagkikislapang parol at ilaw dagitab na patay sindi patay sindi na tulad ng isang tanghalan ay naghuhudyat ng isang kakaibang pangyayari na darating.Sa mga loob ng pamamahay at tanggapan ay karaniwan nang mamasid ang mga belen at mga punong pamasko.Naroron na rin sa mga lansangang patungo sa simbahan ang mga pondahan na nagsisilbi ng maaalsang bibingka at katakam takam na puto bumbong na inaanod ng mainit na tsa.Ang mga tindahan ng damit ,laruan,at pangregalo na karaniwang matatagpuan sa palengke ay nagbibihis na ng makukulay na panindang nakagaganyak di lamang sa mga musmos kundi pa rin sa matatanda.Lalong nagsisikip ang pamilihang ito kung Lunes araw ng bargain dahil sa pagnanais ng mga mamamayang makabili ng mamuramurang kasuotan at kasangkapang magagamit sa Dakilang Araw na kanilang pinaghahandaan.
Ang mga kabataang magaaral ay karaniwan nang makikita na may dala-dalang palamuti at parol na marahil sinadyang gawing project na kanilang mga guro na nakikiisa sa darating na pagdiriwang.ang usap-usapan ngayon ay kung may bagong damit ka na ,may bagong sapatos ka na, gayundin ang bagong laruan para sa anak.Para sa naghihikahos ,malaking suliranin kung sagad sa hirap,na pagukulan man lamng ng pansin ito.Ang mahalaga,ay ang ilalaman ng kanilang bituka ngayon at mamaya.Para naman sa mga may tiyak na pinagkakakitaan ay kailan at magkano ang bonus.
Sa gabi karaniwan na ang paggising dahil sa pagtapat ng mga pangkat ng nagkakaroling(ngayon kahit araw may nagkakaroling at kahit iisa odadalawa tumatapat and it start after Todos los santos na-writers note)Mayroon ding tumatapat na umanoy oara sa kilusang ganito osa ganoon
Ngunit sa ating mga mamamayan ng Orion ,ano nga ba ang kahulugan ng lahat ng paghahandang ito?Bakit kailangan ang ganitong paghahanda?Sa isang taong mapaglimi at marunong maganalisa sa mga pangyayari,ganoon din sa isang musmos pa na halos ngayon pa lang nagkakaroon ng kamalayan, ang tanong ay ganito,.Ano nga ba ang lahat ng ito?Ano o sino ba ang darating upang pag-ukulan ng pagpapahalagang ito?Sa isang matapat at tiyak na kasagutan ,iisa ang ating kasagutan sa lahat ng ito . Si Hesus ,di ba?
Sino ba Siya?..Ito marahil ang kasunod na katanugan.Muli kailagang ibigay natin ang isang katotohang kasagutan.Maisasagot natin na Siya iyong taong nagturo sa ating maging mapagkumbaba, ,ng pagpapakasakit at pagmamahal sa kapwa.Mailalarawan ba natin sa nagtatanong na Siya iyong ipinanganak na walang tanging saplot kundi isang basahang lampin sa isang hamak na sabsabang wala ni munting dekorasyon na katulad ng ginagawa natin ngayon?.Na isinilang Siyang salat sa pagkain at karangyaan na di tulad ng naiisip nating paghahanda para sa araw ng kanyang pagsilang.?...Na Siya ang Diyos na dakila at Pinakamakapangyarihan sa lahat na sa isang kisap mata ay maaring tamasahin at makuha ang lahat at maaring higit pa kaysa paghahandang ginagawa natin ?...Ano ngayon ang kahulugan ng lahat na ating ginagawa na tumbalik sa tinunton Niyang buhay?Anong uri ng pagpapakumbaba itong halos lahat ng karangyaan ay nais nating makamtan sa pagdatal ng Tanging Araw para sa Kanya..Anong pagpapakasakit itong puro kasayahan at paghahanda para sa sarili lamang natin ang ating iniisip?Paano natin Siya haharapin at sasabihing;..Diyos ko akoy namumuhay sa mundong ito na sumusunod sa aral mo at tumatahak sa buhay na iyong pinagdaanan.
Mga anak ng Diyos sa Orion,Siya ay nagmamasid sa atin .Inaakala natin na malaking kasiyahan na para sa Kanya ang taon-taong pag-alala natin sa Kanyang kaarawan.Subalit ,tunay nga kaya na kung Siya ay bababa upang makisalamuha sa atin sa araw ng Pasko ,maaasahan kaya nating sa ating tahanan Siya pupunta o sa mararangyang Christmas party Siya dadalo?Nagkakamali siguro tayo kung ito ang ating naiisip.Saan nga kaya natin Siya matatagpuan sa kapanahunang ito?.....Subukan kaya natin Siyang sundan....doon sa mga pook sa Orion na may mga dukhang naninirahan....doon sa piling ng mga nagdarahop.walang makain at wala halos saplot sa katawan.Hanapin natin Siya sa piling ng mga ulila sa pagmamahal,sa mga taong itinakwil ng lipunan at naliligaw ng landas. Marahil naroon Siya ..nakikihalubilo at sumusubaybay
Mga kaibigan,hangad nating makita siHesus sa Kanyang pagdating ,di ba?Subukan kaya nating hanapin Siya ngayong Pasko..Sasama ka ba sa paghahanap na ito?
HOMEMADE TIKOY!!!
11 years ago
2 comments:
Emma, Sa simula pa lang ng article na ito alam ko na na ikaw ang nagpost. Ang galing mo namang magtago sa iyong baul at ngayong retire ka na may time ka ng maghalungkat pag natutulog ang iyong mga apo. Ilan na ba ang mga apo mo. I have two and I am enjoying playing with time at makiloko every Saturday and Sunday. Mahirap at masaya ang magalaga ng apo pero higit pa rin and saya kaysa hirap. I enjoy reading all your post so keep on going. Regards to our batchmates there in Orion. Hope to see you again before 2010.
Hanga ako sa iyo Mare sa pag-iingat mo ng mga mahahalagang write ups na nakapagpapabalik sa masasayang alaala noong kayo'y elementary at gayundin din naman nakapagbibigay aral sa mga nakakabasa nitong tungkol sa ating Panginoong Diyos. Talaga namang totoo na kapag malapit na ang Pasko ang karamihan sa atin ang pinaghahandaan ang materyal na bagay at nakakalimutan nating paghandaan ang pagdating ng ating mananakop. Isang hamon para atin ngayon ang mga katanungan sa huling bahagi ng write up na ito ni Mareng Emma, subukin nating hanapin siya sa darating na Paskong ito at sama-sama tayo sa jribatch1963 sa paghahanap na ito sa pamamagitan ng kaunting tulong na ating maibibigay para sa mga kapuspalad. Salamat Mare sa write up na ito at kumusta na lang sa inyong lahat diyan.
Post a Comment