Sunday, April 29, 2007

Tungkol sa Grand Reunion

Mga Batchmates,

Kaninang umaga nag-ikot uli kami nina Mike,Mok,(dumating na sya last Wednesday),Belen at Julie.Pinasadahan uli namin ang mga kaklase natin na di nacontact by phone at ibinalita ang tungkol sa final meeting .Inilipat ito ng venue mula kina Pilar ay doon na kina Nelia sa Sto Domingo, 6:30 ng gabi May 5.
Naibalita din ni Mike na si Karias ay narito na sa Pilipinas...alam nyo ba na sa lahat ng napupuntahan namin ay halos magtagal kami dahil di maiwasan ang pagbabalik tanaw sa high school days? Makikita sa mga ngiti at kislap ng mata ang lubos na kasiyahan habang nakikinig sa mga kwento.talagang magiging masaya ang muli nating pagsasama...kaya mga classmates na di uuwi sa okasyong ito,we are all in saying na you will miss half of your life.Kaya pack your bags and be home,Manny!Corazon!

See you soon!!

Luz

1 comment:

josie javier-macalua said...

I'm sure na ang lahat ng batchmates
natin na nakabasa ng article mo na ito ay parang 'sinisilihan' nang makauwi for our grand reunion. Kung puwede nga lamang hilahin ang mga araw, para nandiyan na agad kami.

Sigurado kong lahat ng kabilang sa Batch 1963 ay gusto sanang maka-attend, pero di talaga maiwasan na ang iba ay di makadalo dahil sa iba't-ibang kadahilanan. Maganda ang suggestion ni Armando na gumawa tayo ng CD/DVD ng GRAND REUNION natin para lahat tayo ay
merong pagkakataong makihati sa saya kahit sa panonood man lang.

Okay, see you guys on or BEFORE the BIG DAY!

JoGJMac