1963 Graduates of Jose Rizal Institute in Orion, Bataan
Sunday, April 22, 2007
Huge welcome to Mike Cruz. What a story! Thank you for sharing it with us. The student body of JRI knew what it was on to when it elected you President in 1962-63. We are proud to be in your batch.
Dear Pareng Mike, talaga yatang pinagtiyap ng tadhana na tayo,{batch 1963} ay maging magkakaklase dahil halos pare-pareho tayong may mga pinagdaanang buhay na puweding isapelikula.siguro sa susunod ay puwede na tayong magtayo ng sarili nating dramatic company(joke only).anyway, kahit ano pa ang naging storya ng ating buhay ay iisa lang ang kabuuan.ang ating buhay ay talagang drama at kailangang may director.sumusunod lang tayo sa script at ang director natin ay walang iba kung hindi ang ating puong maykapal....AMEN.....Your loving kumadre, Nelia
Pareng Mike, Maraming salamat sa pagsasalaysay mo ng iyong talambuhay! Tulad ko, ni Nelia, at iba pa nating mga kaeskuwela na dumaan sa maraming pagsubok at kahirapan, masasabi ko na mapalad pa rin tayo at kinasihan tayo ng Panginoon ng mabuting kapalaran. Higit sa lahat, ang biyayang pagkakaloob ng magandang pamilya, malusog na katawan, at payapang pamumuhay ay sapat na para tayo'y mapagpasalamat sa Diyos. Sana'y pagpalain ka pa ng mahabang buhay! Ernie
Dear Mike, Sa paglalahad mo ng pinagdaanan mo sa iyong buhay, lalo mo akong pinahanga, dahil nakita ko roon ang pagiging tunay mong indibidwal - matapat, matulungin, mapagtiis at higit sa lahat - MAKADIYOS. Hindi ako nagtataka na kinasihan ka ng napakagandang kapalaran, matapos mong malampasan ang napakabibigat na pagsubok. Sa lahat ng napakaraming suliranin na nagdaan sa 'yong buhay ay nanatili ang iyong taimtim na pananalig sa Poong Maykapal at nagpatuloy ka sa pakikibaka sa buhay. Mapalad ka sa pagkakaroon ng kabiyak na nakihati sa pagdadala ng lahat ng mga iyon.
Alam kong di madaling maglahad ng ginawa mong paglalahad. Nagagawa lang yon ng kapatid sa isa ring kapatid. Sa totoo lang ang nararamdaman ko ngayon ay di lang tayo magkakaeskwela, kundi para na rin tayong magkakapatid, na bukas na aklat ang buhay sa isa't-isa.
Maraming, maraming salamat, sa pamumuno mo sa ating klase mula pa noong nasa high school pa tayo hanggang ngayon. Lalong-lalo na sa pagtitiwala mo sa amin ng kasaysayan ng iyong buhay.
Nawa'y magpatuloy ang masaya mong buhay, kasama ang iyong mga minamahal.
3 comments:
Dear Pareng Mike, talaga yatang pinagtiyap ng tadhana na tayo,{batch 1963} ay maging magkakaklase dahil halos pare-pareho tayong may mga pinagdaanang buhay na puweding isapelikula.siguro sa susunod ay puwede na tayong magtayo ng sarili nating dramatic company(joke only).anyway, kahit ano pa ang naging storya ng ating buhay ay iisa lang ang kabuuan.ang ating buhay ay talagang drama at kailangang may director.sumusunod lang tayo sa script at ang director natin ay walang iba kung hindi ang ating puong maykapal....AMEN.....Your loving kumadre, Nelia
Pareng Mike,
Maraming salamat sa pagsasalaysay mo ng iyong talambuhay!
Tulad ko, ni Nelia, at iba pa nating mga kaeskuwela na dumaan sa maraming pagsubok at kahirapan, masasabi ko na mapalad pa rin tayo at kinasihan tayo ng Panginoon ng mabuting kapalaran.
Higit sa lahat, ang biyayang pagkakaloob ng magandang pamilya, malusog na katawan, at payapang pamumuhay ay sapat na para tayo'y mapagpasalamat sa Diyos.
Sana'y pagpalain ka pa ng mahabang buhay!
Ernie
Dear Mike,
Sa paglalahad mo ng pinagdaanan mo sa iyong buhay, lalo mo akong pinahanga, dahil nakita ko roon ang pagiging tunay mong indibidwal - matapat, matulungin, mapagtiis at higit sa lahat - MAKADIYOS. Hindi ako nagtataka na kinasihan ka ng napakagandang kapalaran, matapos mong malampasan ang napakabibigat na pagsubok. Sa lahat ng napakaraming suliranin na nagdaan sa 'yong buhay ay nanatili ang iyong taimtim na pananalig sa Poong Maykapal at nagpatuloy ka sa pakikibaka sa buhay. Mapalad ka sa pagkakaroon ng kabiyak na nakihati sa pagdadala ng lahat ng mga iyon.
Alam kong di madaling maglahad ng ginawa mong paglalahad. Nagagawa lang yon ng kapatid sa isa ring kapatid. Sa totoo lang ang nararamdaman ko ngayon ay di lang tayo magkakaeskwela, kundi para na rin tayong magkakapatid, na bukas na aklat ang buhay sa isa't-isa.
Maraming, maraming salamat, sa pamumuno mo sa ating klase mula pa noong nasa high school pa tayo hanggang ngayon. Lalong-lalo na sa pagtitiwala mo sa amin ng kasaysayan ng iyong buhay.
Nawa'y magpatuloy ang masaya mong buhay, kasama ang iyong mga minamahal.
JosieGJMacalua'07
Post a Comment