Monday, April 30, 2007

A big, warm welcome to our blog, Rollie. Now we can really shrink the distance between our hometown and elsewhere in the world to virtually nothing. We have you and Lucille covering our hometown; Ernie posting from Canada; Mike, Pilar, Nelia, and Annie & Eddie from the US of A; Josie from the Visayas; Corazon from Australia. Hopefully, the others will take the time to put in their two-centavos worth, then we will truly be well informed about one another and get closer as batchmates, friends, family.

Dinner with Karias

Napakabilis ni Lucille, nai- kuwento niya kaagad ang dinner namin last night hosted by Karias. It was really fun and productive as , aside from the laughter and the reminiscing, a sort of mini meeting was held. A possible venue for the dinner dance was also scouted but of course everything will be finalized on the May 5 meeting. Unfortunately, I will be in Dagupan by then so I will try to communicate by phone.

I am still awaiting word from Mike about the Wowowee trip on May 4 as I saw the excitement on their faces when they went to my place on the day of Karias' arrival. Some of them are already practicing the dance moves that they are going to perform at the show, not to mention the greenbacks to be donated to Willie.

We did share some jokes but I will not post it here as I am saving it for the big day. Some keywords: Dictator, ga + ga, and suffocation just to name a few. I even told them that I was imprisoned in the US just by wearing a t - shirt. Unfortunately, the shirt is emblazoned with I LOVE OSAMA. I have since burned it.

So recall all your unforgettable moments during our days at JRI and share it to everybody on the grandest reunion of all. Practice your dance moves as I heard that you can't have dinner unless you dance.( Di bale, sanay naman akong magutom, being an ex- prisoner )

see you all there! Rollie

PRE-REUNION GET-TOGETHERS

Attn: Batchmates who are very lucky to have pre-reunion get-togethers and kwentuhan,

Please save naman some kwento para doon sa mga less fortunate na ka-batch na wala pa riyan. O kaya, irecord sana ninyo para ma-replay later or i-post sa blog natin. Maraming mamimiss ang mga mabagal dumating at yong mga di darating. Cheers!

Dinner with Ernesto (Karias)

The small group activity yesterday was capped by a dinner hosted by Ernesto Santos.In just a very short notice, our great President,Mike was able to call up Anselmo,Rolando,Alfredo,Ramon, Violeta,Lagrimas,Lucing,Ofelia,Emma, Julie and me.We went toBalanga and there was no let up in the sharing,kumustahan and reminiscing as we partake the delicious meal. Our laughter filled the hall, as if we own the place.We did not notice the time ,everyone is anxious to tell a story,a joke and an experience.Emma shared that before she left the house her sons told her,"Mommy,alalahanin nyo, iba ang panahon ngayon",sort of mimicking her lines when the sons are going out.
Napag usapan din na parang ang males ng batch '63 ay parang torpe,kasi sa dami natin ang magkabatch na naging mag-asawa lang ay si Lucing at si Eslao.Ganon nga kaya yon?Si Ernesto naman ay nagtanong kung ano ang pakiramdam ng isa't isa sa pagkikita kitang iyon.Ang lahat ay sumagot na masaya ,maligayang pakiramdam.It really was a night to remember...and considering that this is just a small group gathering,ano pa kaya kung yong Grand Reunion na?

Expect a BIG BANG,Batchmates!!-

Updates

JoGJMac'07'
Tama ka tungkol sa balak ni Corazon, na very evasive sa tanong natin! Sa palagay ko, isu-surprise nya tayo. She cannot resist the allurement of being with her batchmates. This is once-in-a-life-time opportunity, and she will regret it if doesn't come!
With Lucille's accounts of the meeting, I can imagine the excitement and joy that everyone exudes even prior to the grand re-union.
Sige, relish every minute of togetherness! Sa bandang huli na lang ako.
Ernie

Sunday, April 29, 2007

Tungkol sa Grand Reunion

Mga Batchmates,

Kaninang umaga nag-ikot uli kami nina Mike,Mok,(dumating na sya last Wednesday),Belen at Julie.Pinasadahan uli namin ang mga kaklase natin na di nacontact by phone at ibinalita ang tungkol sa final meeting .Inilipat ito ng venue mula kina Pilar ay doon na kina Nelia sa Sto Domingo, 6:30 ng gabi May 5.
Naibalita din ni Mike na si Karias ay narito na sa Pilipinas...alam nyo ba na sa lahat ng napupuntahan namin ay halos magtagal kami dahil di maiwasan ang pagbabalik tanaw sa high school days? Makikita sa mga ngiti at kislap ng mata ang lubos na kasiyahan habang nakikinig sa mga kwento.talagang magiging masaya ang muli nating pagsasama...kaya mga classmates na di uuwi sa okasyong ito,we are all in saying na you will miss half of your life.Kaya pack your bags and be home,Manny!Corazon!

See you soon!!

Luz

Friday, April 27, 2007

Conference Chat at HUGAS BIGAS

Noong April 18, nag-online conference chat kami nina Corazon, Ernie at Armando.
Hangang-hanga kami kay Armando, kasi iba-ibang computer ang ginagamit niya. Aba, di nyo ba alam na INTERNET CAFE ang isa sa mga negosyo niya? Sa malapit sa DON BOSCO TECHNICAL COLLEGE sa Mandaluyong (sa labas naman) ang location.

Natawa ako kay Ernie, kasi gulat na gulat siya nong sabihin kong mabisang pang-alis ng mantika sa plato ang HUGAS BIGAS. I'm sure, alam rin ng marami sa atin na mainam rin yong sabaw sa sinigang na bangus (uhmm, sarap), at napaka-epektibo ring fertilizer sa mga orchids.

Natapos ang aming chat nang di namin naarok kung uuwi si Corazon para sa reunion o hindi. Napaka-elusive, mahusay lumusot, sa kabila ng kakulitan namin.
Pero ang paniwala ko, di niya tayo kayang tiisin. "Ano BAGA, Azon. Naguguluhan kami, aaaaaaay." (please read with PUNTONG ORION).

Marami pa akong gustong i-blog, pero Diyos ko, KAYO NAMAN,OY.

JoGJMac'07

SAMU'T - SARING SHARING (SSS)

BATCHMATES, ito na ang chance natin na sumulat ng something for our blogspot. The idea is SHARING what you wish to share with us. A favorite recipe, household tips, trivia, kuwento about your asawa, anak at APO, alagang hayop, or lihim na minamahal (lihim nga, kaya maliliit ang letra.) Even family celebrations, outings, travels. Mas mainam kung may kasamang pictures. PUWEDE RING MAGLAHAD NG MGA PROBLEMA AT HUMINGI NG PAYO.

Walang problema kung one or two liners lang, or kung ten pages, okay lang.
"KUNG SAAN KAYO MASAYA, SUPORTAHAN NAMIN KAYO."

O, what are you waiting for? START SENDING THEM IN !!!

JoGJMac'07

Thursday, April 26, 2007

Paano mag post sa Blogsite

Mga Batchmates,

Heto na ang steps para makapag post dito sa ating blogsite:

1. Unang una, kung nandito ka na sa site na ito, tumingin ka sa upper right corner ng page, at makikita mo ang "Sign In"
2. Click "Sign In" and you will be prompted to create an account.
3. Create an account and follow the steps and fill up the form.
4. I suggest you use your same email address and password para hindi mahirap tandaan.
5. Pagkatapos na magkaroon ka ng account, pwede mo ng gamitin yun para makapag post ka.
6. Sa blogsite natin, mag sign in ka at tagumpay ka sa "Sign In" kung sa upper right corner ng blogsite page ay makikita mo ang "sign in name" mo, "new post", at "Sign Out" (Ibig sabihin naka-sign in ka).
7. Click mo "New Post" at makikita mo ang window on Posting.
8. Type mo title at ang iyong posting.
9. Yun na yun!
10. Pag medyo sanay ka na mag experiment ka at wag matakot na magkamali.
11. Pag nagkamali ka, tawagin mo ang anak mo o ang iyong apo. Paturo ka sa kanila.

Ok?
Ernie

Wednesday, April 25, 2007

ALL ABOUT WORK

According to Kalil Gibran, "Work is Love Made Visible " What a fitting definition ! For members of JRI Batch 1963,I know you have a story to tell regarding this.We are almost down the hill,so to speak when we talk about our work or careers 20 t0 40 years ago.The others have already retired but are still active in our other careers.It was not an easy climb...most of us worked so hard to maintain our job,we have invested so much; time, money,talents even relationships just to be happy and contented with our job.

By nature,by instinct,by personality type people regard work differently.What about you classmates? We will be happy to read your sharing,some insights and unforgettable experiences while you are at work.Let me invite you to be part of this sharing...Let me share one story that up to this time I vividly remember.

When I was stilla Science teacher at the central School in Orion,I was presenting a lesson to a grade V section 7 class.It is about how electricity flows in the series and parallel circuits;With a demo board,two battery cells and a swich,we traced the flow of current.My aim is to have my pupils differentiate the two circuits .I noticed one boy not interested,instead of looking at the demo board,he seemed to be playing with a toy.I looked at him intenly and proceeded.I continued my lesson by asking some pupils to show how the two circuits work.I again noticed the same boy not paying attention.I stopped the lesson and approached the boy with one battery cell in my right hand.I really saw RED because I was ignored so right there,I beat him in the head ,"kinatukan ko".There was no reaction from him, parang di nasaktan!!

The next day,I already had an inkling that something was brewing.Then I saw my principal,the late Mr.Guillermo Dizon with two male companions waiting for me at the porch near the Science room in Fonacier.I explained to the father of the boy what transpired and asked for apologies,I gave him my reason,I lost patience since I have already warned the boy.I told him I have 45 pupils and if one of them does not listen the others will be affected.I even compared my situation with parents who have 2-4 children losing patience sometimes.When the two men left,my principal toldme that the other man who was listening to us was the head of the NPA movement in Balut..Biglang kumabog ang dibdib ko sa takot!!I told myself,Lord that was close!!

I learned my lesson from then on...instead of counting 1 to 10 when I am beginning to lose patience,I extended it to 1-25. Even if our intention is logical ,we must also consider the emotions of others!

Revised Venue of Reunion

Thanks for the info?

Monday, April 23, 2007

Sunday, April 22, 2007

Huge welcome to Mike Cruz. What a story! Thank you for sharing it with us. The student body of JRI knew what it was on to when it elected you President in 1962-63. We are proud to be in your batch.

Saturday, April 21, 2007

Gulong ng Palad



Abril 6, 1956, natatandaan ko pa na ilang araw lang ang nakakaraan matapos ang aming pagtatapos sa elementarya, isang malaking sunog ang halos tumupok sa lahat ng kabahayan sa aming Barangay Daan Bago at ilang bahagi ng karatig Barangay Lusungan at Wawa. Sa pamamagitan ng Social Welfare Administration o SWA na ngayon ay DSWD na, kami ay nabigyan ng isang napakaliit na tahanan kung saan ay siksikan kaming pitong magkakapatid kasama na ng aming mga magulang. Ang tanging ikanabubuhay ng aming ama para sa amin nuong mga panahong iyon ay ang kanyang pananakag ng hipon sa gabi na hindi inaalintana ang lamig ng gabi na sumisigid sa kanyang katawan para lamang mairaos ang mga kumakalam naming mga sikmura.

Pagkatapos ng elementarya, huminto ako sa aking pag-aaral at sumama ako sa basnig o fishing boat upang makatulong sa aking mga magulang. Sa mura kong edad ay nakaranas ako ng ibayong hirap sa trabahong iyon. Dahil dito ay naisipan kong ipagpatuloy ang aking pag-aaral upang sa hinaharap ay magkaroon ng magaan at maunlad na bukas. Sa pamamagitan ng aking tiyahing si Gng. Petronila Caling na isang guro nuon sa Arellano Memorial High School, Balanga, Bataan. Ito ang naging daan upang mapasama ako sa JRI class batch 1963.

Nuong mga panahong iyon ay likas ang aking pagiging mahiyain at ako ay may stage fright. Ang pagsali-sali ko sa mga drama na sinulat ng ating batikang direktor na si G. Ruben Roxas (SLN) ang siyang naging daan upang mawala ang kahinaan kong iyon. Ilan sa mga dulang iyon ay ang mga “Alamat Ng Everlasting” at “Ito Ba Ang Aking Bayan?”, “Kahit Na Sa Pangarap” kung saan kasama ko sina Corazon at Zenaida at ang ating dula na Hawaiian Legend nuong ating pagtatapos na pinagbidahan nina Corazon at Pareng Fredo Gabriel na “Ako'y Maghihintay”. Sadyang masarap gunitain at kaiga-igaya sa pakiramdam ang pagbabalik sa nakaraan kung saan halo-halo ang emosyong naramdaman at mga karanasang pinagdaanan. Hindi nga ba’t sinasabing ang high school ang pinakamasaya at pinakamasarap na yugto sa buhay ng isang mag-aaral. Kaya nga habang tinitipa ko ang makabagong talatipanan (kompyuter) ay hindi ko mapigilan ang matawa at mapahalakhak pa nga sa mga panahong ating pinagsamahan. Kung may tunay ngang makinang de oras (time machine) marahil ay ibinalik ko na iyon sa panahong tayo ay magkakasama. Kung kaya’t hindi mapapasubalian na ang ating pinagsamahan ay isang karanasang ating dadalhin lakip ang ligayang nadarama hanggang sa kabilang buhay.

Dahil nga sa pangarap kong maiahon sa hirap ang aking pamilya at dahil wala rin namang itutustos ang aking mga magulang sa pagpapatuloy sa kolehiyo, muli ay tinulungan ako ni Tiya Elang. Sinamahan niya ako kay Atty. Dioscoro Manrique na ang tanggapan ay nasa DasmariƱas, Sta. Cruz, Maynila upang maipasok sa trabaho at makapagpatuloy sa kolehiyo. Sa pamamagitan ni G. Tugonon na kaibigan ni Atty. Manrique, ako ay napasok na dyanitor sa Phil. Law School, Lacson College. Hindi ko malilimutan si Atty. Manrique hindi lamang dahil sa pagtulong niya sa aking makapagtrabaho at makapag-aral. Higit sa lahat ay sa isang ginintuang aral na magpahanggang sa ngayon ay nananatili pa ring sariwa sa aking alaala. Ang kanyang iniwang aral sa akin ay - “Sa lahat ng napakasarap isipin ay yaong mahirap ka at bigla kang nagkaroon ng kaluwagan sa buhay at ang napakasaklap namang gunitain ay yaong mayaman ka at bigla kang naghirap.”

Sadya yatang mapagbiro ang tadhana pagkat bago matapos ang unang semestre sa aking pinapasukan ay napagbintangan akong nagnakaw ng mikropono na nailagay lamang pala sa drawer ng aming chief janitor. “damage was done” ika nga kung kayat nagpaalam na lang ako sa pangulo ng Philippine Law School, Lacson College na si G. Rene Lacson.

Pumunta ako sa North Bay Boulevard, Navotas, Rizal na kung aking tagurian ay “The
Boulevard of Broken Dreams.” Duon nakatira ang aking kapatid na si Nelda (sumunod sa akin) na bukas palad akong tinanggap. At dito ko rin nakilala ang aking naging kabiyak ng puso. Tunay nga pala ang kasabihan na “Kapag Ang Pag-Ibig Ay Pumasok Sa Puso Ninuman Hahamakin Ang Lahat Masunod Ka Lamang”. Sinabi ko ang mga bagay na ito sapagkat nung mga panahong iyon ay isang kinatatakutang siga ng Navotas ang aking naging karibal sa kanya, subalit hindi iyon naging hadlang upang akoy huminto ng panliligaw sa kanya hanggang sa makamit ko ang kanyang napakatamis na oo.

Upang maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral, nagbatilyo ako sa Navotas Fish Port. Nagbubuhat ako ng mabibigat na banyera ng isda at sinasalansan sa mga trak o dili kaya nama’y ibababa sa mga lantsa. Sa loob ng apat na taon kong pagtitiyaga ay natapos ko ang kursong Bachelor of Science in Commerce Major in Accounting sa FEU. Pagkatapos ng aking pag-aaral ay hindi na ako nakapag-review para sa board dahil napasok na ako sa Bataan Pulp and Paper Mills, Inc. sa Samal, Bataan bilang isang payroll clerk kung saan ako ay nagkaroon ng promosyon bilang payroll accountant. Dahil dito ay nagkaroon ng katuparan ang isa sa aking mga pangarap na maipagpatayo ko ang mga magulang ko ng isang tahanan na bagamat katamtaman lamang ang laki ay sapat na upang kami ay tumira sa isang mas disenteng tirahan.

Nuong mga panahong iyon ay aktibong aktibo ang Cursillo at ako ay inisponsor ng aking Supervisor na si Mr. Juanito Timbang na aking naging ninong din sa kasal sa kinalaunan. Ito ang naging daan upang maging aktibo ako sa gawaing ito at nagbigay ng “Rollo” o pangaral at nag “Rector” na rin na kung saan ang mga naging kandidato ay sina Pareng Rollie San Jose, si Bro. Ruperto Bagtas at Rolando Santiago (SLN). Ang pangalan ng aming samahan ay Apostolatus Maris Cursillo Team na halos mga tabing dagat ang mga kasapi. Isa sa naging proyekto namin nuon ay ang pagbibigay ng munting biyaya sa mga mahihirap sa pagsapit ng pasko. Ginagawa namin ito sa pagkakaroling sa kanilang mga tahanan at makikita mo sa kanila ang pag-aalumpihit sa pag-aabot ng halagang 25 sentimos na amin namang papalitan ng binalot naming kape, asukal, gatas bigas, sardinas at kung ano pang makakayanan namin at isang kalendaryo na hindi nila inaasahan at makikita mong sila’y lumuluha. Ito ay halos kung ilang pasko rin naming ginawa. Kitang-kita namin sa kanilang mga mukha ang kabiglaanan at kasiyahan sa pagtanggap ng aming munting nakayanan at kami naman ay ibayong kaligayahan ang nadarama kapag nakikita namin ang mga ganoong eksena. Sadya talagang masarap ang nagbibigay at tumutulong lalo sa mga higit na nangangailangan. Ang kaligayahang kapalit nuon ay higit pa sa anumang ligayang nadarama natin sa anupamang ligaya na maaari nating madama.

Isang pinagpalang araw para sa akin ang Nobyembre 28, 1976. Isang biyayang galing sa langit ang ipinagkaloob sa akin ng poong maykapal. Tumama ako ng first prize sa sweepstakes at ang biyayang iyon na aming natamo ay naging daan upang makatulong akong lalo sa mga nangangailangan at dahil dito ay isang Governor Humanitarian Award ang ipinagkaloob sa akin ng Mt. Samat Lions Club ng Bataan na hindi ko naman inaasahan.

Nagbitiw ako sa aking trabaho sa Bataan Paper Mills at ako ay nagnegosyo na lamang. Subalit sa kasawiang palad, hindi umunlad ang aking mga negosyo at halos lahat ng negosyong iyon ay nauwi din sa wala. Marami pang utang ang naiwan nito hanggang sa unti unti uli kaming naubusan at maisanla namin ang aming ipinagawang bagong tahanan sa DBP. Noong mga panahong iyon ay nag-aaral na ang 5 sa aking 7 anak. Sila ay mga nasa elementarya at high school na.

Ilang panahon pa ang lumipas at magkokolehiyo na ang aming panganay na anak. Lumalaki na ang aming gastusin at dahil dito ay pumapalya na rin kami sa aming paghuhulog sa DBP. Marahil ay kulang pa ang mga pagsubok na dinaranas namin. Sa kalaunan ang aking ina ay nagkaroon ng sakit na uremia na ang kawikaan nga ay sakit pang mayaman. Kailangan niyang sumalang ng 2 beses sa isang linggo sa dialysis. Nasabay din ang pagdating ng “Notice of Foreclosure” ng aming tahanan, mabuti na lamang at kakilala ni Kuya Ben Guzman ang manager ng DBP at sinamahan niya kaming makiusap na bigyan pa kami ng ilang buwang palugit pa. Ang tatlong malalaking problemang ito: ang DBP, ang aking ina na nangangailangan ng 2 beses na dialysis at ang napipintong pag-aaral sa kolehiyo ng aming panganay na anak ang nagtulak sa akin upang subukang magtrabaho sa Japan. Balitang-balita nuon ang malaking sahuran sa bansang iyon. Hindi opisina ang aming pinapasukan kundi construction at nakasama ko doon ang aking 3 kapatid na lalaki. Tulong-tulong kami sa pagbibigay ng pangtustos sa pagda-dialysis ng aming ina upang lumawig pa ang kanyang buhay. Nasimulan ko na ring hulugan uli ang aming utang sa DBP hanggang sa ito ay tuluyan na naming mabayaran at matubos ang titulo nito. Nakapag-aral din ng maayos ang aming panganay sa FEU ng Bachelor of Science in Nursing. Mahigit na 4 na taon na akong nagtatrabaho sa Japan bilang TNT nang dumating ang malungkot na balitang pumanaw na ang aming pinakamamahal na ina. Hindi ko man lamang nasilayan ang kanyang labi pagkat hindi kami karaka-rakang makakauwi sa dahilang kami’y overstayed na. Kaming lahat ay pawang mga TNT. Ilang araw ko ring iniluha ang kanyang pagpanaw at marahil dahil duon ay nagkaroon ako ng nerbiyos. At halos hindi ako makakain, hindi makatulog at hindi makapagtrabaho. May mga pagkakataon pang parang tumitigil ang pagtibok ng aking puso. Mahirap palang magkasakit kapag ikaw ay malayo sa iyong pamilya. Sari-sari ang iyong naiisip at marahil ay nakakadagdag pa ito sa aking nararamdaman. Labag man sa aking kalooban ang aking gagawin, dahil na rin sa 3 sa aking mga anak ay nasa kolehiyo na, sumuko ako sa Immigration Authorities upang makauwi. Sa aking pag-uwi ay nawala ang aking karamdaman. Dahil wala din akong hanapbuhay ay unti-unting naubos ang aming naipon at muli ay naisanla ko ang aming bahay upang huwag mahinto sa pag-aaral ang aming mga anak. Lumobong muli ang aming utang kung kayat napilitan akong muling bumalik ng Japan. Nakapatrabaho naman akong muli at nabayaran ko ang aming pagkakautang.

Sa aming trabaho ay taon-taon ang aming check-up. Sa isang check-up ko ay may naramdamang kakaiba ang doktor na tumingin sa akin kayat ako ay binigyan niya ng referral sa doktor sa baga. Sinamahan ako ng aming Mama Sang at nalaman kong parang may nakita silang parang tumor sa aking baga at ang doktor na iyon ay inirefer kami sa Cancer Center. Noong akong ako’y suriin sa Center na iyon, ang sabi niya 3 ang maaaring sakit ko: Pneumonia, PTB o Kanser. Dahil dito ay muli akong inatake ng nerbiyos. Matapos ang mahaba-habang pagsusuri, napag-alaman kong nagkaroon ako ng PTB dahil sa mga alikabok na nasagap ko aking pagtatrabaho. Sinabi nilang kinakailangan akong i-ospital duon subalit nakiusap akong bigyan na lang ng sertipikasyon na kailangan kong makauwi at makapagpagamot sa aming bayan. Ito’y dahil na rin sa napakahirap magkasakit sa ibang bansa na malayo ka sa iyong pamilya. 2 araw pagkatapos kong sumuko ay nakauwi na ako sa Pilipinas at agad ay kumunsulta kami ng aking maybahay kay Dr. Sanchez dala ang mga X-ray na galing sa Japan. Matapos ang anim na buwang pag-inom ng gamot ay naging clear na rin ang aking baga at tuluyan na akong gumaling.

Matapos ang ilang panahon ay nagkasunod-sunod na ang pagtatapos sa kolehiyo ng aking 3 Maria. Ang aking panganay na si Ma. Leonora ay nagtapos ng nursing at nakapasa sa CGFNS na naging dahilan upang makapagtrabaho sa Amerika at doon na manirahan kapiling ng kanyang asawa at 2 anak. Siya rin ang naging daan upang kami ng aking pinakamamahal na kabiyak na si Erlie ay duon na rin makapamuhay. Ang aking pangalawa na si Michelle ay nagtapos ng HRM sa UST at kasalukuyang Asst. Manager sa SM. Siya ay may sarili na ring tahanan sa Navotas kapiling ang kanyang 3 anak at asawa. Ang pangatlong Maria ay si May na ngayon ay guro dito sa ating bayan. Mayroon na rin akong 2 apo sa kanya. Sa kasalukuyan ay tapos ng lahat ang aking mga anak sa kolehiyo maliban sa 2 na hindi nakahiligan ang pag-aaral at nakatapos lamang ng high school.
Noong halalan ng Mayo, 1995, tumakbo ako bilang isang Indyependenteng Konsehal at pinalad na manalo. Maging nuong tumakbo ako ng 1998 at 2001 ay muli akong pinalad. Ang sabi ng mga matatanda sa amin, kasi daw ay maaga pa lang ay nakapagtanim na ako. Ibig sabihin pala ay kahit daw wala ako sa pulitika ay marami na akong natulungan.

Nakakaisang taon pa lang ako sa aking pangatlo at huling termino bilang Konsehal ng Bayan ay dumating na ang petisyon naming mag-asawa papuntang Amerika. Dahil na rin sa magandang pagkakataong ito na mabigyan ko pa ng higit na magandang kinabukasan ang iba ko pang mga anak, isinuko ko ang pagiging konsehal ko at pumunta kami sa Amerika. Isang malaking biyaya ang pagkakapanirahan namin dito, lalo pa nga at nangangailangan ng operasyon sa puso ang aking maybahay dahil sa kanyang rheumatic heart disease na natuklasan nuong siya ay labing-apat (14) na taong gulang pa lamang. Minsang siya ay hindi makahinga, kumunsulta kami sa Cardiologist at kinakailangan pa lang palitan ang dalawang balbula ng kanyang puso. Sa una ay natakot siya sa operasyon dahil nga sa bubuksan ang kanyang puso. Subalit sa paliwanag sa amin ng doktor na 95% ay matagumpay ang operasyon ay pumayag na rin siya. Nuong March 19, 2004, tapat sa pista ng San Jose ay naging matagumpay ang kanyang operasyon. Wala kaming ginastos ni isa mang sentimo dahil na rin sa aking health insurance. Kung nagkataong kami ay nasa Pilipinas pa, marahil ay nagkasanla-sanla na naman kami upang maitawid lang ang buhay ng aking one and only love. At dahil na rin sa kami ay narito, maging ang aking blood sugar ay bumaba. Lalo pa nuong ako ay nakapagtrabaho sa nursing home, natuto akong magdyeta . Mayroon pa akong isang trabaho na labis akong pinagpapawisan na nakatulong sa aking diabetes. Matapos ang isang taon ay normal na ang aking blood sugar kaya’t pinahinto na ako sa pag-inom ng aking mga gamot. Ito ay dahil lamang sa dyeta at ehersisyo. Nuong unang dumating ako dito ay 198 lbs. ngayon ay 170 lbs na lamang, ang baywang ko nuon ay 38” ngayon ay 34” na lamang.

Lahat ng ito ay ipinagpapasalamat namin sa ating Panginoong Diyos. Ang kasunod ng magandang biyayang dumating sa amin ay ang pagpasa ng aking bunsong anak na isa ring nurse na si Carlo sa CGFNS at ang paghihintay na lamang namin ng kanyang immigrant visa upang makasama na rin namin siya rito sa Amerika.

Sa edad ko ngayon na 62, marahil ay wala na akong mahihiling pa. Kung babalikan ko ang katagang binitiwan ni Atty. Manrique na nabanggit ko sa unang bahagi ng aking talambuhay, masasabi kong ang aking buhay ay akmang-akma sa kanyang tinuran. Kung muli nating babasahin ito, ang aking buhay sa piling ng aking mga magulang at ng aking sariling pamilya ay nagmistulang roller coaster. Minsang nasa baba, minsang nasa itaas. Subalit sa lahat ng pagsubok na ibinigay sa akin ng Poong Maykapal, ni minsan man ay hindi ako nawalan ng tiwala at pananalig sa kanya, bagkus sa bawat pagsubok na ito ay lalo pang humigpit ang kapit ko sa kanyang mga palad dahil alam kong sa lahat ng oras at sa lahat ng sandali Siya ang aking gabay at walang anuman siyang ibibigay na hindi ko kakayanin.

Marami akong natutunan habang ako ay dumaranas ng mga pagsubok sa aking buhay. Hindi ko isinuko ang aming mga pangarap. Lahat ng mga pagsubok na dumating sa aking buhay ay pinilit kong mapagtagumpayan. Naging matiyaga ako, masikap at laging nakatingin sa magandang bukas na darating. Hindi ko kailanman kinuwestyon ang Panginoon kahit pa sabay-sabay kung minsan ang pagdating ng mga pagsubok. Ang tangi ko lang alam ay ang pananalig na isang araw ay matatapos din ang lahat dahil alam kong ang ating Panginoon ay nariyan lamang at ang tangi Niya lang gusto ay mabigyan tayo ng buhay na maayos, masagana at maligaya. Marami akong nababasa na hindi kailanman ginusto ng Panginoon na magdahop sa hirap ang kanyang nilalang bagkus ay paginhawahin Niya ito at ibigay ang kaligayahan. Dahil ang biyaya ng Panginoon ay walang hanggan at habang tayo ay narito sa lupa, asahan nating lagi niya tayong gagabayan at pagpapalain. Sa Diyos ko lamang iniasa ang aking nakaraan kaya’t ang aking hinaharap ay sa Diyos ko pa rin inihahabilin at inilalaan.

Maraming salamat po sa ating Panginoong Diyos at maraming salamat din sa inyong lahat na naging bahagi ng aking kasaysayan.















Mike and Linda Cruz














Alexa Sarah Cruz Alejo

















Allison Marie and Alexa Sarah Cruz Alejo




















Allison Marie Cruz Alejo






Maria Cruz Alejo with her husband
Arnold Alejo 2 children and niece















Mike and Linda Cruz's Apos Rj, Coleen,
Marla, Lance, Mirielle & Arienne 01














Mike and Linda Cruz's Apos Rj, Coleen,
Marla, Lance, Mirielle & Arienne 02

A CARD FOR LINDA AND LINO PANGAN


For Linda Aquino-Pangan:

Please accept our deepest sympathy for your father’s passing, Linda. Remember that he is in eternal peace, and reached our Heavenly Father’s kingdom. In due time, may you find comfort in God’s love, and strength to carry on your father’s fond memories, left behind. In your darkest moments, please know that your friends and batchmates of JRI Class of 1963 are thinking of you and your family. And that we remember you in our prayers, too.

With sincerest condolence,

Annie and Eddie

Friday, April 20, 2007

O, ayan na mga kababata, kaeskwela at kababayan! Sige na. Huwag nang maghesitate. Maghuntahan na tayo dito sa blog natin. Samantalahin ang offer ni Ernie. Aba, more than 40 years ang ikocover. Baka kulangin ang time sa re-union para makipagkwentuhan sa lahat. Greetings sa inyong lahat!

Rosa with her son, Romel, and grandsons.

Postings! Postings!

You are most welcome!
Mga classmates, heto na ang ating blogsite. Kahit sino sa atin pwedeng mag-post dito.
Sa susunod, I will post the steps para maka-post yung mga mulala sa computer at yung matitigas ang hintuturo.
Mabuhay kayong lahat!

Tuesday, April 17, 2007

Ernie, warmest WELCOME to our blogsite. And thank you for the timely words of wisdom.

Monday, April 16, 2007

FOR THOSE OVER FIFTY YEARS OLD

FOR THOSE OVER FIFTY YEARS OLD:

1. Focus on enjoying people, not on indulging in or accumulating material things.

OUR PRIORITY MUST BE OUTGOING CONCERN FOR THE GOOD OF PEOPLE. WE COULD HONESTLY EARN AND SELFLESSLY SHARE WEALTH WITH THE NEEDY. INDULGING IS USUALLY SELFISH AND LEADS TO WRONG PRIORITY.

2. Plan to spend whatever you have saved. You deserve to enjoy it and thefew healthy years you have left. Travel if you can afford it. Don't leave anything for your children or loved ones to quarrel about. By leaving anything, you may even cause more trouble when you are gone.

ENJOYING WHAT WE EARNED AND SAVED IS OUR CHOICE ALONE TO MAKE. WE MIGHT CHOOSE TO LEAVE SOMETHING FOR OUR NEEDY CHILDREN. THIS CHOICE IS A MATTER OF CONSCIENCE. WE MAY SET UP A SIMPLE TRUST (NO NEED FOR PROBATE) OR A SIMPLEWILL TO CLARIFY DECISIONS.

3. Live in the here and now, not in the yesterdays and tomorrows. It is only today that you can handle. Yesterday is gone, tomorrow may not even happen.

TO AVOID WORRYING AND START LIVING, DALE CARNEGIE ADVISED US TO "LIVE IN DAY-TIGHT COMPARTMENT" - TO FORGET THE DEAD YESTERDAYS AND THE UNBORN TOMORROWS. DALE CARNEGIE LEARNED IT PERHAPS FROM OUR CREATOR WHO SAID, "THIS IS THE DAY THE LORD HAS MADE; REJOICE AND BE HAPPY IN IT". OUR GOD GIVES US A LIMITED LIFETIME AND THEN PARCEL THAT LIFETIME DAY AFTER DAY IN WHICH WE CAN ALSO PLAN FOR TOMORROW USING THE LESSONS WE COULD LEARN FROM YESTERDAYS. AGAIN, THE FOCUS IS ON THE "PRESENT", A GIFT OF NOW FROM OUR CREATOR WHO IS CLOSER - AND KNOWS US WELL - TO US THAN WE ARE TO OURSELVES.

4. Enjoy your grandchildren (if you are blessed with any) but don't be their full time baby sitter. You have no moral obligation to take care of them. Don't have any guilt about refusing to baby sit anyone's kids, includingyour own grandkids. Your parental obligation is to your children. After you have raised them into responsible adults, your duties of child-rearing and babysitting are finished. Let your children raise their own off-springs.(Not to some Filipino Grandparents).

THE BIBLE IS CLEAR ON THIS ONE - A MAN OR WOMAN SHALL LEAVE PARENTS AND BE ONE WITH THE SPOUSE IN A NEW FAMILY UNIT. IT IS CONFUSING TO BEHAVE IN ANYWAY THAT VIOLATES THIS PRINCIPLE.

5. Accept physical weakness, sickness and other physical pains. It is a part of the aging process. Enjoy whatever your health can allow.

ACCEPTING REALITY IS ALWAYS DIFFICULT. IT IS A FACT THAT WE ARE BORN WITH A DESIRE FOR ETERNITY; A DESIRE THAT MUST BE GUIDED BY GOD'S WILL FOR US WHICH WE MUST ACCEPT IN FAITHFUL HUMILITY. I FIND MYSELF UNABLE TO ACCEPT THE REALITY OF AGING AND DYING. IT IS A CONSTANT STRUGGLE TO ACCEPT THE TRUTH THAT I AM AGING AND AM GOING TO DIE AT A FUTURE TIME - ALBEIT I DO NOT KNOW EXACTLY WHEN. BY ACCEPTING THE REALITY OF DEATH, GOD DOES NOT FROWN ON MY DESIRE TO STAY HEALTHY AS LONG AS I POSSIBLY CAN ... LIVING LONGER TO CONTINUE LIVING PRODUCTIVELY FOR HIS PURPOSE.

6. Enjoy what you are and what you have right now. Stop working hard for what you do not have. If you do not have them at this time, it's probably too late.

THIS IS IN LINE WITH THE GUIDELINE FOR CONTENTMENT: STOP COMPLAINING, STOP COMPETING, AND STOP COMPARING. THE KEY IS TO ENJOY BEING PRODUCTIVE WITH WHO YOU ARE AND WHAT YOU ARE CAPABLE OF HAVING AS A GOOD STEWARD OF WEALTH, INFORMATION, RELATIONSHIP, SPIRITUAL GIFT AND TALENTS, AND OF TIME AND HEALTH. NOT JUST FOCUSING ON THE MATERIAL, WE MUST CONTINUE TO MULTIPLY AND SHARE RESOURCES SELFLESSLY WITH OTHERS.

7. Just enjoy your life with your spouse, children, grandchildren and friends. People, who truly love you, love you for yourself, not for what you have. Anyone who loves you for what you have will just give you misery.

TRY TO BE LIGHT TO FAMILY AND FRIENDS. DO NOT CONDEMN THE SELFISH AND THOSE WHO DO YOU WRONG. TRY TO FORGIVE; IN SO DOING, YOU AVOID BEING ENSLAVED BY HATRED AND BAD FEELINGS. TRY IT AND SHOW THE WAY. DOES LIGHT CONDEMN? DOESN'T IT SIMPLY LIGHT THE DARKNESS?

8. Forgive and accept forgiveness. Forgive yourself and others. Enjoy peace of mind and peace of soul.

AGAIN, PEACE IS NOT OUR IDEA. IT IS NOT MERELY THE ABSENCE OF TROUBLE. IT IS OUR CREATIVELY AND PRODUCTIVELY TURNING OUR POTENTIAL TO REALITY IN LINE WITH GOD'S WILL ... A CONTINUING CHALLENGE FOR US TO DIG DEEPER INTO WHAT GOD HAS DONE FOR US TO SET US FREE AND TO LEAD US TO THE HOPE OF REAL LIFE BEYOND THIS LIFE IN THE NAME OF JESUS.

9. Befriend death. It's a natural part of the life cycle. Don't be afraid of it. Death is the beginning of a new and better life. So, prepare yourself not for death but for a new life with the Almighty.

THIS IS OUR BIG CHALLENGE: TO REHEARSE AND REMEMBER WHAT WE USED TO SEE IN BALL GAMES - JOHN 3:16 - "GOD SO LOVED THE WORLD THAT HE GAVE HIS ONLY BEGOTTEN SON; THAT WHOSOVER BELIEVES IN HIM SHALL NOT PERISH BUT HAVE EVERLASTING LIFE" IT'S NOT FANATICAL NOR PRETENTIOUS TO TAKE THIS WORD TO HEART BECAUSE IT IS OUR ONLY REAL HOPE FOR THE LIFE THAT JESUS SUFFERED AND DIED FOR.

10. Be at peace with your Creator ...For... He is all you have after you leave this life.

HE IS ALL WE HAVE THEN, NOW AND FOREVER. WE MAY BE ABLE TO GRASP THE IMPLICATIONS OF THE OTHER 9 ITEMS ABOVE WHEN WE SEE AND SAVOR "THE WAY, THE TRUTH, AND THE LIFE" IN ITS MOST PRACTICAL INTENT

Saturday, April 7, 2007

Thank you, Luz, for sharing your heartwarming life story with us. JRI Orion Batch 1963 is truly rich with amazing people like yourself, Nelia and the two Ernestos who have also given us a tantalising glimpse of their inspiring life journeys.
Each of us has a fascinating story to tell and what better place to share it with the rest of us than on this blogpage. We hope that everybody will be encouraged to write in.
Batchmates, this is your own site, ours. Let's get together like we did in that high school shed many years ago and share our stories, our photos and all the tidbits that make for our memorable lives.
Once again, thank you Luz.

Life is a Beach

Dear classmates,

During the meeting about the grand reunion on May 9,Mike informed us that there will be some sharing about how life had been for us after 44 years.As I ponder over the many years that passed,I can only give one simple description.....Life is a beach,let me tell you why!

As a person ,I am a CORAL,constantly tested by wind,waves,storms and underwater surges of power in all aspects of my life.I fought for survival,changed and sucessfully adapted.Problems,challenges,trials made me alive,stronger,tougher and more resilient.
As the eldest in a big brood of 11,I really struggled hard to finish my BEEEd course in PNC,bacame a teacher for 10 years and changed carreer.I worked in the then NMYC now TESDA.In my new job,my horizon widened.I had many exposures,I gained many competencies as I was afforded some scholarships in some well known institutions like,Ateneo De Manila where I obtained a certificate in Career Development and Management and another certificate course from Asian Institute of Management ,Management Development Program.These blessings coupled with the help of my 2 brothers who luckily became US Navy and my other siblings who also gave their share pushed my BIG dream to improve our life.Now I am not asking for anything but good health and I am forever thankful for the people who have helped me become what I am today!They are the SEA SHEELS of my life,their hard coverings kept me warm,protected me from harm,embraced me with love and kindness.
Am still in the beach,enjoying the surges of water,the soft blow of the wind and the low and high ebb of the waves.And if someone will ask me where i would like to stay to unwind,no other place but the BEACH!!

Thank you for reading my life story,

Your Classmate,

Luz