Wednesday, July 15, 2009

JOKE Lang

Handa na ba kayo? Tayo'y tumawa .....


1. (In a cabinet meeting ...)
GMA: oshige ... kung shino man ang tamaan ng bola na 'to ay siyang magre-reshign
(initsa ang bola, tumalbog pabalik sa kanya ...)
GMA: o ... praktish lang un noh? ulet!

2.Pare 1: pare parang malalim ang iniisip mo!
Pare 2: nanaginip ako kagabi kasama ko 50 contestants ng Ms. Universe
Pare 1: swerte mo! ano problema mo?
Pare 2: pare, ako nanalo!!!

3.Isang lasing, nasalubong ang matabang babae na may kasamang aso
Lasing: hoy, saan mo nakuha yang baboy?
Babae: aso ito hindi baboy!
Lasing: huwag ka nga sumabat! yung aso ang kausap ko!

4.Who said 'Fill-in-the-Blank' exam is so easy?
Sige, ikaw nga. Try natin.
Fill the blank with a YES or a NO:
____, I don't have a brain!
O, ano ang sagot mo?

5.JUDGE: Ano ba talaga nangyari?
ERAP: ??? (di nagsasalita)
JUDGE: Sumagot ka sa tanong.
ERAP: Naman eh!!! Kala ko ba hearing lang to??? Bakit may speaking?

6.NARS: doc, bat tinanggihan nyo yung pasyente?
DR: alin, yung bakla?
NARS: opo. Baka sabihin namimili tayo, porke bading siya.
DR: ano naman raraspahin ko sa kanya?

7.Things you don't want to hear during your own surgery:
-san yung gunting na bago ? Bat may kalawang to?
-10ml? may nakasurvive na ba dyan? Sabi ko 5ml lang!
-doc, ubos na po pala yung anesthesia.
-kanina pa bukas yung tiyan, asan yung pantahi?
-sunog! Sunog! Labas lahat!

8.Inspiring quote of the day:
"Hindi ako tamad. Hindi ko lang alam kung saan ko ibubuhos kasipagan ko."

9.MRS: hon, am I pretty or ugly?
MR: uhm.. both..
MRS: anong both? Pwedeng pretty and ugly?
MR: ang ibig ko sabihin, you're pretty ugly.

10.Street Vendor : "bili na kayo ng relo! gold watch ito!
pag namuti, white gold!
pag huminto stopwatch!"

11.Sa harap ng nursery window;
Friend: Pare, pag laki ng anak mo, am sure magaling
mag-drive
Dad: Bakit, pare, malaki ba ang kamay?
Friend: Hindi. Kasi kamukha siya ng driver ninyo!

12.Population policies of countries:
China : Stop at 1 child.
Singapore : Stop at 2 children
Phil: STOP AT 4 A.M.!

13. Ano kadalasan ang sinasabi kapag nautot?
American: Excuse me.
British: Pardon me.
Pinoy: NOT ME!

14.Misis : Darling, ano ang tawag sa isang asawa na sexy, maganda, hindi selosa, mapagmahal, masipag, mapagkalinga, masarap magluto?
Mister: Guni-guni!

15. Bigo ka ba sa pag-ibig? eto ang mga gud partner...
Kuba: Mapagkumbaba
Pilay: Hindi ka tatakbuhan
Bulag: walang paki sa looks mo
Pipi: Hindi nagbibitiw ng bad words
Duling: Hindi ka hahayaang mag-isa!

5 comments:

Pilar Villegas Cuevas said...

Luz, pinatawa mo talaga ako sa mga jokes mo. Iriserba mo ang susunod mong jokes sa reunion natin. Ang may pinakamaraming jokes ang siyang mananalo ng prize. Regards

ErnestoDR said...

A good respite from the serious world of stress and pressures!

Emma Magpoc said...

Linsiyak kang Luz ka..I opened the blog this afternoon para mawala ang nerbiyos ko sa coming operation ko this Saturday.Katatapos kong basahin at hanapin sa isang health encyclopedia ang facts tungkol sa gallstone.kung saan parte ng body ito naroon kaya na imagine ko ang mangyayari sa akin .I was enjoying your jokes pero noong dumating ako sa joke no.7 parang gusto kong tawagan ang surgeon ko at sabihin na huwag nang ituloy. sana sinabi mo sa akin sa meeting kahapon na huwag munang magbasa ng blog,...
Heto panibagong pagiipon na naman ang gagawin ko...pagiipon ng lakas ng loob at pagdarasal kay Lord...O bawi ka ha..by praying for me Advance HAPPY BIRTHDAY mula kay sweetheart at inaanak ninyo.Bakit di raw siya nakatikim ng handa ninyo ni Julie.

Pilar Villegas Cuevas said...

Emma, don't be scared. Our Lord God will be on your side during your operation. I will pray for you na magkaroon ng lakas ng loob at maka-recover ka agad. God Bless.

ErnestoDR said...

Tama ka Emma, nakakatawa ang mga jokes pero pag may nasaling na hibla ng iyong suliranin medyo nakakakaba rin.
Subalit wag kang mag-alaala, kasi ang gall stones ay madali nang malunasan ngayon. Mayroon nang laser treatment na pwedeng tunawin ang stones or whatever your doctor prescribes. In the meantime and probably all the time it would be advisable for you and for all to drink plenty of water or fluid everyday! Take it from Dr. Del Rosario, he..he..he..
Our prayers are with you!
Get well and get ready for the Reunion of the Decade!
Still the standing order is BAWAL MAGKASAKIT!