TAYONG mga Pinoy ay mahilig sa mga pagkaing hindi healthy sa ating katawan. Tinatawag natin na "PAMPABATA" dahil di na tayo aabutin ng katandaan pag kumain tayo lagi nito. Ano ba ang mga ito? Mag-umpisa tayo sa numero 10 papunta sa numero 1, ang pinakamasama sa lahat.
10. Soft drinks – Naku, guilty ka diyan, 'di ba? Ang isang basong soft drinks ay may 7 kutsaritang asukal. Kaya grabe ang tamis. Nakatataba at masama ito sa mga diabetiko. Mag-ingat din sa diet soft drinks, dahil may halo itong phosphorous. Ang phosphorous ay nagtatanggal ng calcium sa ating katawan at puwedeng maging dahilan ng osteoporosis. Kaibigan, tubig na lang!
9. French fries – Mataba at mamantika ang French fries. Ito ang sinisisi nang maraming eksperto kung bakit dumarami ang taong may sakit sa puso at mataas ang kolesterol.
8. Matatabang sarsa tulad ng gravy, mayonnaise at butter.. Tadtad iyan ng calories. Mas mainam pa ang suka, calamansi o hot sauce bilang sawsawan.
7. Alak — May mga pasyenteng nagsasabi na ang red wine ay mabuti sa puso. Kapag tinanong ko kung gaano karami ang iniinom, ang sagot ay, "Doc, minsan, nauubos ko ang isang bote." Masama po ang alak sa ating kalusugan. Masisira ang ating atay, ugat at utak. Nakapagdudulot din nang maraming kanser..
6. Junk food – Nakaka-addict ang mga sitsirya, corniks at potato chips. Ito'y dahil may halong vetsin at asin. Wala po itong silbi sa katawan. Turuan natin ang ating mga anak na iwasan ito.
5. Hilaw na karne o isda – Sari-saring bulate ang nakatago sa mga hilaw na karne, tulad ng kilawin na isda o steak na may dugo pa at ginagawa minsang pulutan. Siguraduhing luto ang inyong kinakain. Tandaan, hindi namamatay ang mga bulate sa suka o calamansi.
4. Street food – Ayon sa pagsusuri, 70 percent ng mga Pinoy ay may bulate sa tiyan. Kapag hindi naghugas ang mga street vendors ng kamay, puwede itong lumipat sa ating pagkain.. Mahirap masiguro ang kalinisan ng mga fish ball, queck-queck at taho. Minsan, nakakita ako ng isang magtataho na gumamit ng kanyang tuwalya para tanggalin ang sobrang tubig sa kanyang taho. Huwag makipagsapalaran!
3. Laman loob – Ewan ko ba kung bakit nahiligan ng mga Pinoy ang pagkain ng utak, puso, bato at bituka. Sobrang taas iyan sa uric acid at kolesterol. May mga eksperto ang nagsasabi na nagdudulot din iyan ng kanser.
2. Chicharon at chicharon bulaklak — Sabi ng kaibigan ko, "Balat lang naman ang gusto ko eh, hindi naman taba..." "Eh saan ba nagtatago ang taba," sabi ko. "Sinawsaw ko naman sa suka," hirit pa niya. Kaibigan, taba pa rin iyan. Mag-popcorn ka na lang.
1. Lechon –- Ang paborito ng lahat, ang lechon, crispy pata at pata tim. Ang taba ng baboy ang sadyang nakapagpapabara ng ugat sa puso at utak. Ang resulta? Istrok at atake sa puso. Kaibigan, tikim-tikim lang.
Gulay at isda lang talaga ang masustansya para sa inyo. Sorry po kung nasaktan ko ang inyong damdamin, pero iyan po ang buong katotohanan. Ingat lang para ang life natin ay hindi maging too short and remember the song "Killing Me Softly!"
(This is from an email from my cousin, Rene Quicho,Danny's brother.)
4 comments:
Luz, thanks for the info,so sa susunod na reunion natin libre na ako sa lechon.Tama pala ang mga inihanda ko nuong magdinner tayo sa bahay,karamihan ay seafood,nilagang okra,talong ampalaya at talbos ng kamote,pritong isda na may sawsawang kamatis,manggang hilaw,sibuyas at talbos ng balubad.Yung nilagang baka,tinanggal ko lahat ang taba kaya ok yun.Ang red wine,kung 1/2 glass lang ay ok lang bec. there's something in red wine that's good for the heart.And,besides the food that we eat we also have to exercise,even 30 min. of walking everyday is ok.It's good with people who have diabetis,high blood pressure and heart disease and also for normal people.
Luz, Thanks again for posting a very helpful info. We really have to look for our eating habit of those unhealthy food. Ginugutom ako sa mga binanggit ni Nelia na mga pagkain.
Nelia and Pilar,
I agree with you, we must be more careful in our senior years so we can enjoy life longer. We enjoyed your generosity and the fun we had during the many gatherings we had when you were home,Nelia.
Pilar, we are anxiously awaiting your arrival...just let me know the most convenient time for you to have our batch mates around for a little chikahan !
See you soon!
Luz,I'm glad that you enjoyed having me around,nag enjoy din naman ako.Ngayon, na mimiss ko na ang mga chika chika natin at ang mga pagkain diyan.The early morning walks,tapos dadaan sa palengke para kumain ng breakfast tulad ng suman,dinuguan,puto at puto bungbung.Pagkatapos kumain ng almusal mamimili ng mga sariwang isda,hipon,alimasag,tahong,mga sariwang gulay at prutas,etc,etc.Baka gutumin na naman si Pilar,don't worry Pilar uuwi ka naman makakain mo ring lahat ang mga binanggit kong pagkain and much more.At ang pinakagusto ko sa lahat ay ang fresh air.
By the way,tumawag sa akin kanina sa trabaho si Josie peru wala pa ako.Hinihintay kong tumawag uli peru hindi na tumawag.Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon.Jo,kung naandito ka pa tawagan mo uli ako,peru mga 3 pm ,same # na tinawagan mo.I'll e mail you with my home phone.
Post a Comment