Isang taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaabot kay Frank at kay Ditas dahil sa kanilang pagaasikaso sa amin. Nagbiyahe pa kami ng 7 hours mula sa Pennsylvania sa eroplano para lamang sa mini-reunion na ito. May 9 mga alas tres ng hapon ng kami'y dumating doon sa Navy Gateway Inns & Suites na pinangangasiwaan ni Frank at naroon na si Mareng Nelia at Editha. At mga 3:20 naman ng dumating si Pilar at ang kanyang pinsan na si Ray. Before 6:00 p.m. ay naroon na rin si Bert Bautista at si Aging. Almost 8:00 p.m. naman si Elenita (Luna) at ang asawa niyang si Joseph at ang huli ay si Fely at si Meling na inihatid ni si Zenny na kanyang kapatid.
Sa isang maluwang na conference room kami nagsalusalo sa isang napakasarap na hapunan. May dala sina Mareng Nelia at Editha ng adobong manok at pusit, halabos na hipon, nilagang talong at ampalaya na may kasamang napakasarap na bagoong na isda na gawa ni Tata Jose tatay ni Editha. Ang mag-asawang Bert at Aging ay may dinala namang dinuguan at puto, kalamay, boneless bangus na tinapa na may sawsawang mangga at kamatis. At sina Luna ay may dalang adobong manok at baboy at masarap na ensaymada.Halos inabot na kami ng hatinggabi sa pagkukuwentuhan habang kumakain.
Magkakatabi lamang ang aming kuwartong tinuluyan sa 9th floor na tulad ng nasabi ni Mareng Nelia ay napakaganda ng ocean view sa labas at tanaw na tanaw din yong Coronado Bridge. 'Yong amin palang natuluyang suite na 938 ay para sa Admiral. Ang laki ng mga kuwarto. Nagkabiruan pa nga na kung sakali at makakabuo pa kami eh aampunin na lamang daw nina Mareng Nelia at Editha (ha! ha! ha!). Nakakahinayang si Mareng Estrella Baluyot Isidro, kasi pinuntahan kami doon sa aming tinutuluyan pero hindi natagpuan yong lugar. Tinawagan ko uli para kami na ang pupunta sa kanya subalit susunduin na pala sila ng isa niyang anak at doon na manggagalingan ng pag-uwi riyan sa atin sa Pilipinas para magbakasyon ng mga ilang linggo at babalik uli rito sa San Diego.
Si Pareng Delmo (Anselmo Labrador) at si Mareng Cora ay doon namin inabot sa Park na pinagdadausan ng Orion town fiesta noong Sabado May 10. Sa pagbungad pa lamang namin ay sinalubong na kami ni Frank na nauna roon at habang kami'y pumapasok maririnig mo ang mga katutubong awitin tulad ng lawiswis kawayan at marami pang iba. At sa harapan ay naroon ang imahen ni San Miguel at malaking larawang iginuhit ng simbahan ng Orion. Napakaraming handa at napakasarap ng mga pagkain na marahil ay luto ng mga taga Orion at ang masarap at malutong na balat ng litson na ibinigay ni Frank. Mayroon ding katutubong sayaw na ipinakita
ng mga anak ng ating mga kababayan tulad ng tinikling na pagkatapos ay nagkaroon ng contest para sa may edad na at doon nga nanalo si Mareng Nelia. Mga bandang 4:00p.m. ay nagpaalam na kami at dinala kami ni Frank sa Seafort isang napakagandang lugar na pasyalan sa San Diego at gayundin sa Casino sa Barona. Before 8:00p.m. ay bumalik na kami sa aming tinutuluyan. Pinag-usapan na namin ang tingkol sa ating reunion sa 2010. Napagkaisahan na 'yon ay ganapin sa Jan. 17 & 18, 2010 (Linggo at Lunes) kasi masyadong napakainit kung iyon ay muling gagawin sa Mayo. Ang venue ay saka na lang hahanap ng magandaganda at ang pagkain ay tayo na ang mamimili at magluluto. Napagkaisahan din na ang bigayan ng mga nasa abroad eh $150 at diyan na lang ibibigay sa atin sa Pilipinas. At 'yong mga nariyan naman sa atin na medyo may kaya ika nga eh baka puedeng magbigay din ng malaki-laki para ma-cover up natin yong iba nating mga kaeskwela na hindi makakasubaybay. Ang ating target ay 100 % ang attendance. Kaya yong iba na hindi nakasama noong nakaraan pakikuha lang yong address o tel # sa mga kamag-anak at ibigay kay Belen para ma-contact natin.
Kinabukasan linggo pagkatapos ng misa ng 11:00 a.m. ay nagpaalaman na kami sa isa't isa. Hndi namin malilimutan ang napakasayang karanasang ito at muli kong inuulit ANG AMING TAOS-PUSONG PASASALAMAT KAY FRANK AT SA KANYANG MAYBAHAY NA SI DITAS.
SEE YOU ON JANUARY 17 & 18, 2010 ON OUR REUNION OF THE DECADE.
HOMEMADE TIKOY!!!
11 years ago
2 comments:
Mike,
Thanks for posting our affair to remember at San Diego. We really travel just to meet our classmates and remind our joy during our last reunion last year in the Philippines. There is no price for the joy we felt during those days that we were together at San Diego with the amazing hospitality of Frank and Ditas. Thank you so much Frank and Ditas for our wonderful stay at Gateway Inns and Suites at sa magandang pagsalubong ninyo sa amin. Thanks too to all who prepared foods.
Ditto from Annie. Sorry we missed a great opportunity to share those wonderful moments. Hopefully, we'll see you all in the next reunion, if not sooner. San Diego weather is great this time of the year, sayang no?
Post a Comment