Habang ako'y nasa eroplano pabalik dito sa amin sa Pennsylvania, na halos humigit kumulang sa 18 oras na pagbibiyahe ay muling nanariwa sa aking alaala ang mga kaganapan sa ating Reunion of the Decade. Reuniong kinaiinggitan ng ibang batch sa JRI pagkat hindi lamang dalawang araw tayong nagkasama-sama kundi halos siyam na araw bago ako umalis at marahil ay patuloy pa rin hanggang mayroon pang natitirang balikbayan na nariyan. Yong anak ko nga na kabilang sa batch'88 halos iilan lamang sila ng sila ay magrunion na magkakalase. Sa bawat nating pagtitipon ay kababakasan mo ng labis na kasiyahan ang bawat isa sa kanilang mga mukha. Sabi nga ni Pareng Fredo Gabriel at ng iba natin ka-batch mate, ito ang kasiyahang hindi maaring bilhin ng salapi. Ang isa sa hindi ko malilimutan eh yong kaganapan sa Lou-is restaurant na kung saan sa pamamagitan ni Pareng Ernie del Rosario ay nagkaroon ng pagkakataon ang lahat nag-beso beso ika nga at suerte si Pareng Delmo Labrador pagkat nakadoble siya kay Lagrimas (ha! ha! ha!) joke lang pare.
At tulad ng nasabi doon kina Mareng Nelia noong Jan. 22 biyernes ng gabi nang magkaroon ng evaluation eh ang aking lubos na pasasalamat sa working committee sa pamamagitan ni Pareng Rolly na hindi ko na isa-isahin ang mga pangalan, ng dahil sa inyo'y naging matagumpay ang ating reunion. At gayundin ang aking pasasalamat sa inyong lahat na nagsidalo pati na ang mga nasa Manila at sa lahat ng mga balikbayan. Tulad ng isang awitin "Sana'y Maulit Muli". Umaasa ako na sa tulong ng ating Panginoong Diyos ay muli tayong magkikita-kita sa ating Golden Reunion sa 2013 na sa pakiusap ng nakakarami ito'y ating gaganapin sa May 16, 17 & 18, 2013 pagkatapos ng piesta, halalan at piesta ng Bantan.
Muli kong inuulit maraming maraming salamat sa inyong lahat.
Did You Vote for this Man as your POTUS?
12 years ago
1 comment:
Sumasang-ayon ako sa lahat ng puntos na isinulat ng ating mahal na pangulong pang-habang buhay. Sadyang kakaiba ang samahan natin sa ating grupo. Kitang kita ang pagkakaisa at pagkakabuklod-buklod. Sa dami nang masasayang okasyon na ating sama-samang nilahukan, tayo ay naging isang malaking pamlyang nagmamahalan at nagkakasundo-sundo.,
Nawa'y magpatuloy ang lahat ng ito hanggang tayo'y nabubuhay. Pagukulan natin ng masusing paghahanda ang ating darating na ika-50 taong anibersaryo.
Maraming salamat sa lahat ng naghandog ng tulong at nanguna, lalong lalo na sa mga nakabase sa Orion.
Post a Comment