Chairman, Development Bank of the Philippines
Noong bata pa ako, marami akong pangarap. Noong ako ay Grade 1 sa Oriental Mindoro, sabi ko sana magkaroon kami nang radio. Nagkarooon kami ng radio noong Grade 6 na ako.
Sumunod kong pinangarap ay ang magkaroon ng TV. Natupad din ito makaraan ang apat na taon..
Noong kolehiyo na ako pangarap ko naman na sana makapunta sa Baguio. Natupad rin ito noong ako ay 3rd year na. Totoong palaging mas malayo ang pangarap sa tunay na buhay.
Pero ano ang silbi ng buhay kung wala kang pangarap. Mas simple na ang ang mga pangarap ko ngayon. Kalusugan para sa aking pamilya. Tahimik na bayan. Kabuhayan para sa nakararami. At ang pagkakataong makatulong sa katuparan ng pangarap ng iba. Ito ang dahilan kung bakit uumpisahan ko ang kolum na ito sa Internet.
Sa akin, ang tunay na superstar ay ang OFW. Mabigat ang mag- abroad lalo na kung ito ang unang pagkakataon na mangibangbayan. Paano kung masakay ka sa maling eroplano? Paano kung mawala ang pera mo at di mo makita ang iyong employer? Paano kung magkasakit ka at kinailangan mong umuwi?
Marami at masalimuot ang mga tanong at kaba ng mga OFW. Sana makatulong kami na masagot ang ilan sa mga ito at mabawasan ang pagaalala ng mga taong dumadaan sa isang bagong kabanata sa kanilang buhay.
Sa panahong inilagi ko bilang administrator ng POEA (Philippine Overseas Employment Authority), bilang secretary of labor at chairman ng Overseas Workers Welfare Administration, marami na rin akong nakalap na impormasyon na maaring makatulong sa ating mga OFWs. Hangad kong gamiitin ang kaalamang ito para mapaalwan ang buhay ng ating mga superstar sa kanilang kinaroroonan. Kung di ko man ito alam, madali rin naman akong makapaghahanap ng mga taong makakasagot sa inyong mga tanong o suliranin.
Alam ba ninyo na kung di kayo binayaran ng sueldo ayon sa inyong kontrata, mahahabol ninyo ang kabuoan nito kapag bumalik na kayo sa Pilipinas?
Alam ba ninyo na kung dumaan kayo sa prosesong legal, maaari kayong umutang ng hanggang P40,000 upang may magastos ang inyong pamilya hanggang di pa kayo nakakapagremit?
Alam ba ninyong covered kayo ng OWWA insurance hanggang dalawang buwan ng pagkabalik ninyo sa Pilipinas? In other words, kung maaksidente kayo sa panahong iyon, may makukuha kayo o ang inyong mga kaanak?
Alam ba ninyong hanggang P200,000 ay maari kayong umutang sa inyong pagbabalik upang makapagumpisa ng isang negosyo sa Pilipinas?
Alam ba ninyong may scholarships na maaring aplayan ang mga taong ibig mag nurse o seaman sa iba’t ibang school sa Pilipinas lalo na yong anak ng mga OFW?
Maraming mga bagay at benepisyo ang available sa mga OFW tungkol sa pabahay, pautang, scholarship, health coverage, pension at iba pa. Mag email lang kayo sa newsbreak at sasagutin naming kayo sa kolum na ito.
Samantala, alam ba ninyo na noong 1990s, dalawang beses akong nag OFW? Bagamat United Nations ako nagrtrabaho, tumigil ako sa Gambia, Africa nang isang buwan at halos anim na buwan sa Vietnam. Alam ko ang matulog sa gabi na balot sa lungkot. At magbilang ng araw ng pag uwi sa Pilipinas. Kaya sulat na.
Alam kong alam ninyo, naghihintay kami.
Hinango sa : ABS-CBN NEWS ONLINE, Marso 22, 2008.
HOMEMADE TIKOY!!!
11 years ago
2 comments:
Josie, thanks for posting this ariticles. It is nice to be read by many. It is touching. Regards and take care. Miss you.
hi, larpi! miss you, too!
anyway, i thought of posting that article on OFW benefits/priveleges, so those who read it could inform their OFW relatives, friends or 'kababayans' about them. sayang naman kung hindi nila ma-avail. mahirap ang maging OFW at mahirap din ang maging pamilya ng isang OFW.
utc2, miss larpi...
Post a Comment